Kris Bernal on winning acting award: "'Pag nanalo na ako, pwede na kami pakasal."

IMAGE Julie Bonifacio

Kris Bernal on her GMA-7 teleserye Impostora: "Dual role ako doon but I did not win any award. I was so frustrated."



Ayon kay Kris Bernal, may isang kondisyon siya bago siya mag-settle down with her non-showbiz boyfriend.

“‘Pag nanalo na ako, pwede na kami pakasal," sabi Kris nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set visit para sa upcoming movie niya titled Kontradiksyon.  

Perry Choi ang name ng 24-year-old boyfriend ni Kris na isang Chinese. They've been together for the past two years.

Hindi pa ba magpo-propose ang boyfriend niya sa kanya?

“Of course, he’s getting older. I’m getting older as well because I’m already 29. But then, I still have lot of things to, you know, want to achieve.”

Anu-ano yun?

Sagot ng GMA-7 actress: “I want to win an award, e. For eleven years in the industry, hindi pa ako nanalo.

“My show Impostora, yeah, I did not win an award for that. I was expecting also because it’s a different character.

“Actually, dual role ako doon but I did not win any award. I was so frustrated.

"Ang ganda ng role ko doon, di ba? Sobrang different Kris Bernal especially when I did the kontrabida? Talagang iba.

“Sayang. I guess, it was my chance na sana, e. So, I went back to this soap, like itong Asawa Ko, Karibal Ko, it’s the same character, api-apihan. So, I’m not expecting any award for this coz I’ve done this before.

“Two shows ko lang na nag-expect ako ng award. Yung Little Nanay, I like my role here kasi my intellectual disability. My role is nice kasi batang-isip ako. Then, yung Impostora. Sayang nga, e.

“But since I’ve got into this parang I wanted to do more films na rin. Parang I want to explore more roles in movies. Oo, kasi sayang, e. Yun na lang talaga ang gusto kong makuha, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What if biglang mag-propose ang boyfriend niya sa kanya?

“He knows when is the right time. I told him that. Sabi ko, ‘I still want to do a lot of stuff and I still want to win an award.’

“‘Pag nanalo na ako pwede na kami pakasal. At least napatunayan ko man lang sa sarili ko na for eleven years, aktres ako.”

Sa pelikulang Kontradiksyon, ang ABS-CBN actor na si Jake Cuenca ang leading man ng Kapuso actress. Alam ba ni Jake na may boyfriend na siya?

Ani Kris, “He knows. Ipinakilala ko siya one time my boyfriend visited. Ipinakilala ko siya.

“No, hindi naman siya nagselos kay Jake. He’s not the type who would get jealous sa ka-love team ko or pinagbabawalan ako. Hindi siya ganoon.

“He’s mature enough to understand my job. He just doesn’t watch love scenes or kissing scenes, ganoon. But he has so much respect for my job.”

Dahil ba sa boyfriend niya kaya may mga restrictions siya sa paggawa ng love scenes?

“No, no, no. Sa akin lang talaga because of how I was raised by my parents.” 




Stories We Are Tracking

Kris Bernal on Jake: Dahil sa other network kaya nakakakaba.
Kris Bernal on Jake: Dahil sa other network kaya nakakakaba.
Kris Bernal removes pumping scenes with Jake Cuenca
Kris Bernal removes pumping scenes with Jake Cuenca
Jake Cuenca on Kris Bernal:
Jake Cuenca on Kris Bernal: "Ang daling pakisamahan."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN