Michael V explains why he can't cast stars in GMA shows; Mystica appeals to Dingdong to include her in teleserye

by James Patrick Anarcon
Dec 4, 2018
<p>Michael V. explains why he cannot just include stars in his TV shows. He explained this after Mystica asked him to include her in the comedy show <em>Bubble Gang.</em> </p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook account of Mystica

Ipinaliwanag ni Michael V. na hindi siya basta-basta lang makakapagpasok ng artista sa kanyang mga programa sa GMA-7.

Sa tweet niya noong December 2 ng gabi, sinabi ng veteran comedian na desisyon ng Kapuso Network kung sino ang kukunin nilang artista para sa kanilang mga TV shows.

Dalawang programa ang kinabibilangan ngayon ni Michael V. kung saan siya ay creative consultant: Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Saad niya sa kanyang tweet, "Good morning Tweeps! As much as gusto kong magpasok ng ibang artista para maging cast ng #BubbleGang & #PepitoManaloto, hanggang suggestion lang po ako. Nasa GMA Network po ang final decision."

Continue reading below ↓

APPEAL FROM MYSTICA

Walang binanggit si Michael V. sa kung sino ang pinatutungkulan niya sa tweet.

Tila ito ang reaction niya sa almost-ten-minute Facebook Live video ni Mystica (Ruby Villanueva in real life) kung saan nananawagan siya kay Michael V. na ipasok siya sa Bubble Gang.

Ipinost ito ni Mystica noong November 18.

Nabanggit niya rito ang disappointment niya kay Coco Martin. Ang ABS-CBN actor unang tumulong sa kanya para mapabilang sa FPJ's Ang Probinsyano, ngunit umalma si Mystica dahil maikli lang raw ang partisipasyon niya sa prime-time series.

Continue reading below ↓

Makalipas ang ilang linggo, noong November 29, ay naglabas ng sentimyento si Mystica sa diumano'y hindi pagpansin ni Michael V. sa kanyang panawagan.

Pagkatapos nito ay kay Dingdong Dantes siya nanawagan para mabigyan ng role sa teleseryeng Cain at Abel.

Saad ni Mystica sa kanyang post, "KUNG AYAW NI MICHAEL V. NA PANSININ YUNG MGA PANAWAGAN KO FOR ME TO CONTINUE IN PURSUING MY COMEDIC TALENT, THEN MAG-SWITCH NA LANG AKO INTO DRAMA SO THAT I CAN GROW AS AN ACTRESS IN TERMS OF DOING SOME DRAMATIC ROLES.

"SO IN CONNECTION WITH THIS, I AM CALLING THE ATTENTION OF DINGDONG DANTES SINCE I HAVE ALREADY WORKED WITH HIM BEFORE IN SOME TV GUESTINGS AS FAR AS VARIETY SHOWS ARE CONCERNED! SANA MATULUNGAN NIYA AKONG MAIPASALI SA KANYANG KINABIBILANGANG BAGONG PROGRAMA CALLED "CAIN AT ABEL" AT GMA7!"

Sa parehong post ay nagpasalamat si Mystica kay Coco dahil isinama rin sa FPJ's Ang Probinsyano sa asawa niyang si Kid Lopez.

Continue reading below ↓

"MY SINCERE THANKS TO COCO MARTIN FOR GRANTING MY WISH TO JOIN THE PRIME TIME TV SHOW "ANG PROBINSIYANO". HINDI LANG PO AKO ANG TINULUNGAN NIYA KUNDI TINULUNGAN NA RIN PO NIYANG ISAMA ANG AKING ASAWANG SI Troy Montez AKA KID LOPEZ."

Sa ngayon ay wala pang sagot si Dingdong sa panawagan sa kanya ni Mystica.




Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Michael V. explains why he cannot just include stars in his TV shows. He explained this after Mystica asked him to include her in the comedy show <em>Bubble Gang.</em> </p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook account of Mystica
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results