Joey de Leon visits new Eat Bulaga studio

IMAGE @AngPoetNyo on Instagram

Joey de Leon visits new studio of Eat Bulaga!


Bago tuluyang lumipat ng studio ng Eat Bulaga, binisita ng veteran TV host na si Joey de Leon ang magiging bagong tahanan ng kanilang programa.

Noong December 4, nag-post si Joey ng litrato sa Instagram kung saan makikita ang APT Studios, ang bagong studio ng Eat Bulaga! simula December 8.

Saad ni Joey sa kanyang caption, "After the 6:00 AM Mass at the Shrine of Saint Therese of the Child Jesus today, visited Eat Bulaga's new home!"

Sa Marcos Highway sa Marikina nakatayo ang APT Studios.

Noong December 2, nagpost si Joey sa Instagram ng group photo ng Eat Bulaga! hosts, kasabay nang pagkumpirmang lilipat na nga sila ng studio matapos ang mahabang panahon.

Sa kasalukuyan ay ginaganap pa rin ang Eat Bulaga sa Broadway Centrum sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Sabi ni Joey sa post, "Matapos ang halos Pitong Libo at Dalawang Daang tanghaliang pinagsaluhan natin sa Broadway Studios, LILIPAT na kami ng bahay! Bisitahin ang bago naming haybols sa December 8!"

Ang haybols ay slang term para sa bahay.


Stories We Are Tracking

Is Eat Bulaga moving to a new studio?
Is Eat Bulaga moving to a new studio?




ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN