Ruby Rodriguez gets emotional over impending studio transfer of Eat Bulaga!

by James Patrick Anarcon
Dec 5, 2018
<p>Ruby Rodriguez gets emotional as she looks back on her 23-year <em>Eat Bulaga!</em> journey at Broadway Centrum. <em>Eat Bulaga!</em> is set to transfer to its new home, APT Studios, on Saturday, December 8.</p>
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng Eat Bulaga! co-host na si Ruby Rodriguez tungkol sa napipinto nilang paglipat ng studio.

Mula sa Broadway Centrum, na nagsilbing tahanan ng noontime show simula 1995, magkakaroon ito ng bagong tahanan—ang APT Studios sa Marcos Highway—sa Sabado, December 8.

Sa isang Instagram post ngayong araw, December 5, ay nagpakuha ng litrato si Ruby sa spot na madalas niyang inuupuan sa dressing room.

Nakasulat sa katabing dingding ng kanyang upuan, "23 years ako nakaupo dito- Ruby"

Sa caption ng komedyana, ibinahagi niya ang mga magagandang nangyari sa kanyang buhay na nasaksihan ng Broadway Centrum sa loob ng 23 taon.

"The wall says it all!!! Yes Broadway for 23 yrs u have given us fond memories. This is where I got married, had 2 kids, met my bff. U know who I mean.

"This seat is where we made chismis, plannned bdays, anniversaries, trips and shared problems to each other asked for advise and most of all shared laughter til we peed our pants and [vomited]!"

Continue reading below ↓

Sa bandang dulo ng kanyang post, sinabi ni Ruby na excited na rin siyang gumawa ng bagong memories sa APT Studios.

"Maraming Salamat Broadway. Now we transfer to our new Home at Apt Studios our road to EB 4.0.... forever.

"I am looking forward to the new adventure and memories. Malamang dito na ako magkakaapo!"

Continue reading below ↓

Noong December 3, nakita ring bumisita si Ruby sa APT Studios.

Saad niya sa caption ng kanyang post, "First Honor. My very first #ootd at our new home Apt Studios"

Bukod kay Ruby, nauna nang nagpahayag ng pamamaalam sa Broadway Centrum ang Eat Bulaga! veteran na si Joey de Leon.

Continue reading below ↓

Kahapon, December 4, ibinahagi ni Joey sa Instagram na dumaan rin siya sa APT Studios bago sila tuluyang lumipat dito sa Sabado.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Ruby Rodriguez gets emotional as she looks back on her 23-year <em>Eat Bulaga!</em> journey at Broadway Centrum. <em>Eat Bulaga!</em> is set to transfer to its new home, APT Studios, on Saturday, December 8.</p>
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results