Jericho Rosales says Halik is extended until March 2019

IMAGE Noel Orsal

Jericho Rosales has to postpone his vacation in February 2019 because his TV series Halik will be extended until March 2019.


Parang timing daw ang pagpapalabas ng pelikulang The Girl in the Orange Dress, kung saan gumaganap siya bilang isang top superstar.

Sa ngayon kasi, mas umingay muli ang kanyang career dahil sa popularidad na tinatamasa ng prime time series niyang Halik.

Saad ng aktor nung nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikula niyang entry sa Metro Manila Film Festival, "Ang masarap kasi rito sa show namin, maraming hindi ini-expect ang mga tao na ganito ang magiging outcome.

"But what I’m really about, all of us have collaborated dito on how to handle the characters.

“Ako, especially yung character ko, saan ko ba dadalhin ito? Perspective ng lalaki ito.

“Maraming nanonood na lalaki, mga maton, mga kung anu-ano, talagang inaabangan nila, ano ba ang magiging desisyon ng character ko rito sa mga ganitong sitwasyon?

"And ako, nagtatanong talaga ako sa mga totoong tao.”

Dagdag pa ni Jericho, “So ngayon, na-inspire ako hindi dahil sa sobrang ingay namin, ang nakaka-inspire roon, reality and truth talaga.

“True storytelling talaga can make it big. Hindi lang basta pasabog sa teleserye na corny-corny na, hindi na namin trip.

“Pero para sa amin, lalo na sa akin, I do not treat soap opera as soap opera. Kung ano ang binibigay ko sa pelikula, yun ang binibigay ko sa TV. So I do believe, okay kung gagalingan ko ito, kung ibibigay ko ang buong puso ko, yun pa rin ang gugustuhin ng mga tao.”

Nabanggit na rin ni Echo na extended raw sila. Unofficial pa kung hanggang kailan, pero sa schedule niya raw, hanggang March 2019 na ang hinihingi sa kanya ng production.

Sabi nga niya, “Dapat magbabakasyon na ako ng February, pero inaayos pa.”

Ano ang reaksiyon ng misis niyang si Kim Jones?

“She understands. Naiintindihan naman niya yun,” saad ni Jericho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What more can I ask for? Meron akong show na yung cast, director, kaibigan ko. Masaya kami. Nangungulit kami sa set. Nakikita niyo naman sa behind the scene namin kung nakakapanood kayo.

“It’s a hit show.

“It’s better than starting another one, ‘eto na naman. This one, parang okay lang kami. Masaya lang kami. Tinatrabaho lang namin ang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN