Tim Yap launches the first online TV show in the Philippines


"Lahat ng puwedeng pag-usapan na di kayang tanungin ng showbiz talk shows, tatanungin ko. Di ba, pag nagdi-dinner kayo, very casual ang pag-uusap ninyo? ‘Ano ba talaga ang nangyari sa iyo? What's the truth behind those issues?' Parang ganun," says Tim Yap about the concept of his online TV show.



Kung dati ay kilala si Tim Yap bilang socialite at fashionista na napadpad sa mundo ng showbiz, along with his friend Tessa Prieto-Valdes, now he's making waves and finding a niche in hosting and business.

Isa sa mga may-ari ng Embassy, a controversial and favorite hangout ng mga artista and partygoers sa The Fort, Tim is also one of the hosts of Living It Up, a lifestyle show on QTV 11.

Right now, with his creative team, ay may bagong bubuksang talk show si Tim. He assured PEP (Philippine Entertainment Portal) that this is something new and different. Kung nasanay tayong mapanood ang mga shows in different TV stations, Tim's show is an Internet-based talk show.

"Tim's Table is the first online TV show in the Philippines, and balak ko ring gumawa ng online TV network. Dito, hindi n'yo kailangang buksan ang mga TV ninyo. Puwede kayong mag-access sa Internet. It's a ten-minute show, and nasa isang dining area ang set-up namin. With my guests, it's either we're having appetizers, main course, desserts while we're talking. Our website is mofun.com," pagbabalita ni Tim sa PEP.

Ilan lamang sa mga nakalinyang guests ni Tim ay sina Ruffa Gutierrez, Judy Ann Santos, at Gretchen Barretto. Tiniyak din ni Tim na sa discussion niya with his guests ay tatanungin niya ang mga hindi kayang tanungin ng ibang showbiz talk shows.

"Anything goes," sabi ni Tim. "Lahat ng puwedeng pag-usapan na di kayang tanungin ng showbiz talk shows, tatanungin ko. Di ba, pag nagdi-dinner kayo, very casual ang pag-uusap ninyo? ‘Ano ba talaga ang nangyari sa iyo? What's the truth behind those issues?' Parang ganun."

According to Tim, he really wants to pursue his hosting career. More than acting, kung saan nagkaroon na siya ng cameo roles sa ilang pelikula, mas priority ni Tim ang pagho-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang gusto ko ay maging pinakamahusay na TV host!" bulalas ni Tim. "Saka ang plano sa akin ng GMA, ang gusto nila ay maging TV host ako. Di kasama sa career plan ko ang pag-arte. Kung ang mga artista gusto nila filmography, ako ang gusto ko 'cameography'—yung small roles lang na bigla kang susulpot. Lumabas na ako before sa Anghel sa Lupa, sa Mano Po, and Bikini Open."

GENDER ISSUE. Aware din daw si Tim sa intriga about his sexual preference.

"Lahat naman, mula kay Christopher de Leon to Piolo Pascual, naging issue na 'yan sa kanila. Alam mo, para sa akin, dun sa mga kumukuwestiyon sa pagkalalaki ko, bahala na sila. Basta ako, ang gagawin at layunin ko sa industriya ay para makabuti at di para i-prove ang pagkalalaki ko o ano pa man. May mas importanteng bagay na dapat pagtuunan ng panahon at atensiyon aside from that," saad ni Tim.

TIM AS MEDIATOR. Pinag-usapan nang husto ang ang Supreme To The Extreme Awards noong October 17 na inorganisa ni Tim at ng iba pang writers ng "Supreme," isang section ng Philippine Star. Dito naganap ang pagbabati ng TV hosts na sina Joey de Leon ng Eat Bulaga! at Willie Revillame ng Wowowee.

"Walang nangyaring set-up sa pagbabati na yun nina Willie at Joey," paglilinaw ni Tim. "Pag pinagsama mo sa dalawang kuwarto ang dalawang tao na likas na mabait, na likas na mabuti, kusang mangyayari yun. Di ko sinabing, ‘Joey, nandiyan si Willie' or ‘Willie, nandiyan si Joey.' Pinaghiwalay ko sila.

"Sa bar ko itinago si Joey. Nung pumasok si Willie, sinabihan ko yung producer ng Wowowee, ‘Katya, si Joey nga pala nandito, by the way.' Ang sabi ni Katya, ‘Naku, paano ‘yan?' I gave the assurance na pag nakuha na ang award ni Willie, puwede na silang um-exit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung pareho nilang [Joey and Wiillie] nalaman, kinausap ko sila. ‘Pare, balato na lang ninyo sa akin ito, pareho ko naman kayong idol.' Tapos nga, kusa na lang ito nangyari. Siguro feeling nila pareho, it's about time na rin [na magbati]." (CLICK here to read related story.)

As a mediator, naikuwento ni Tim na siya rin pala ang naging susi para matapos na ang matagal na alitan noon ni Ruffa Gutierrez at ng socialite at kaibigan ni Tim na si Claudine Trillo. Ito ay dahil kay Zoren Legaspi.

Kuwento ni Tim, "Last Halloween party in Embassy, napagbati ko na rin sila Ruffa and Claudine Trillo. Nag-away sila before over Zoren. Nagkasampalan sila before, nagsabunutan. Pero friends na sila ngayon.

"Sabi ko nga nun kay Claudine, ‘Claudine, alam mo si Ruffa, napakabait na tao.' Nung si Ruffa naman ang kinausap ko, ‘Ruffa, alam mo si Claudine, napakabait ding tao yun. Mare ko yun.' From there, nagkaayos sila and open naman si Ruffa na friends na sila ngayon."

May kanya-kanya nang buhay ngayon sina Ruffa, Claudine, at Zoren. Si Ruffa ay hiwalay na sa asawa niyang si Yilmaz Bektas, ang ama ng dalawa niyang anak. Si Claudine naman ay kasal na sa dating basketball player na si Jason Webb. Samantalang si Zoren ay masaya sa piling ang partner niyang si Carmina Villarroel at ang kambal nilang anak.

ARTISTS' BAZAAR. Ibinalita rin ni Tim sa PEP na sa November 29 to 30 ay magkakaroon uli ng artists' bazaar si Tim, kasama si KC Concepcion. Gaganapin ito sa SM Mall of Asia.

Saad ni Tim, "Every year, mayroon kaming artists' bazaar ni KC, kung saan nagga-gather kami ng mga damit ng mga artista para magsama-sama at ibenta ang mga luma nilang gamit. Tapos lahat ng pera, ibibigay namin sa charities like Hands On Manila and Virlanie Foundation. Last year, binigyan naman sila ng P500,000."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa website ng Hands On Manila, ito ay isang "non-profit organization dedicated to providing members with diverse, flexible volunteer opportunities that address the needs of the community." Ang Virlanie Foundation naman ay isang "private, non-sectarian child caring institution duly licensed and accredited by the Department of Social Welfare and Development (DSWD)."

"Lahat tayo nagtatrabaho at nagsusumikap para umunlad sa buhay," sabi ni Tim. "You can never have enough, kaya ngayon pa lang, tumutulong na ako sa ibang tao. Feeling ko, yung mga kinita ko sa buhay, sapat na para mabuhay ako nang kumportable. Kaya sini-share ko naman sa mga nangangailangan. Si KC, si Juday [Judy Ann Santos], si Iza Calzado, mayroon kaming gagawin din para sa Gawad Kalinga." Ang Gawad Kalinga ay nagtatayo ng mga komunidad, gamit ang prinsipyong kasa-kasama sa anumang proyekto ang mismong mga nakatira sa komunidad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN