Katrina Halili lashes out at bashers of her Pamilya Roces character

by James Patrick Anarcon
Dec 8, 2018
<p>Katrina Halili responds to bashers of her character in <em>Pamilya Roces</em>. She tells one basher, "Wag ka manuod, asar ka pala eh. May nakatutok ba na baril sayo para manuod ka nyan kung ayaw mo."</p>
PHOTO/S: Screengrab from Pamilya Roces

Sinagot ni Katrina Halili ang mga namba-bash sa kanya sa pagpasok niya sa GMA-7 primetime series na Pamilya Roces.

Ito ay matapos magbahagi ng pagkadismaya ang ilang viewers na sinasabing nasira ang kuwento ng serye simula noong pumasok ang karakter ni Katrina na si Maisa.

Simula December 6 ay isa-isa nang nagre-retweet at sumasagot si Katrina sa comments ng mga tao tungkol sa teleserye.

Kabilang din dito ang ilang netizens na namba-bash sa kanya at sa kanyang karakter.

Saad ng isang netizen, "Kaya nakaka disappoint na naisip niyo pang magdagdag ng "Maisa". Sa totoo yun yung sumira sa show. From a promising first 7 weeks to a disappointing week 8 to 10 real quick. #PRJadeVsMaisa"

Sagot ni Katrina dito, "Sana napromote mo ng maayos wk1-7, para para hindi ka na disappoint"

Continue reading below ↓
IMAGE @katrina_halili on Twitter

Kahapon, December 7, ay mas dumami ang mga netizens na sinagot ni Katrina, kabilang na dito ang nagpahayag ng inis sa mga pangyayari sa istorya.

Sa episode kasi ng Pamilya Roces kahapon ay ipina-kidnap ng karakter ni Katrina ang karakter ni Snooky Serna, na mauuwi sa patayan.

Sabi ng isang netizen, "Nawala sa ayos itong seryeng ito noong pinasok yung character ni Katrina. Dati nakakaaliw ngayon may patayan na. Dyusmio! #PRTiyakNaKapahamakan"

Sagot ni Katrina, "Kahit hindi ako pinasok, ganun pa din yun. San pala ikaw ang pumasok"

Continue reading below ↓
IMAGE @katrina_halili on Twitter

Comment naman ng isa pang viewer, "O buti naman naisip niyo pang ibalik yung butas tungkol kay Amber. Eh so Momshie kamusta? Sarap pag uumpugin ng writers nito eh. Pati direktor--oo la kong pake kung si Joel Lamangan yan. #PRTiyakNaKapahamakan"

Si Joel Lamangan ang direktor ng Pamilya Roces, na kanyang comeback series sa GMA-7 matapos ang pitong taon.

Reply ni Katrina, "Wag ka manuod, asar ka pala eh. May nakatutok ba na baril sayo para manuod ka nyan kung ayaw mo"

Continue reading below ↓
IMAGE @katrina_halili on Twitter

Ang isang netizen naman ay tila umabot na sa pamemersonal kay Katrina, matapos nitong i-screenshot nito ang Twitter profile ni Katrina na may naglalamang Bible verse.

Sabi ng netizen sa kanyang tweet, "Bible verse kapa sa bio mo, pinapatay mo naman mga tao. [laughing emoji] #PRTiyakNaKapahamakan"

Hindi rin ito pinalampas ni Katrina.

Tugon niya sa tweet, "Work lang, happy ka? Pero kung ka, go lang"

Continue reading below ↓
IMAGE @katrina_halili on Twitter

Isang netizen naman ang nagsabing magaling si Katrina kaya ganun na lang ang epekto ng karakter niya sa mga nambabash sa kanya.

Tweet naman ni Katrina tungkol dito, "Heheheh. Ok lang, sorry kung pala answer ako"

IMAGE @katrina_halili on Twitter

Unang umere ang Pamilya Roces noong October 8, 2018.

Noon ay hindi pa kasama si Katrina sa original line-up ng cast, na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Sophie Albert, Jasmine Curtis-Smith, Gabbi Garcia, at Shaira Diaz.

Continue reading below ↓

Ngayong December 14 nakatakdang magwakas ang teleserye, pagkatapos ng sampung linggo sa ere.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Katrina Halili responds to bashers of her character in <em>Pamilya Roces</em>. She tells one basher, "Wag ka manuod, asar ka pala eh. May nakatutok ba na baril sayo para manuod ka nyan kung ayaw mo."</p>
PHOTO/S: Screengrab from Pamilya Roces
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results