Parehong nabigyan ng rekognisyon ang Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa OFW Gawad Parangal ng KAKAMMPI (Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.).
Personal na tinanggap ni Marian ang kanyang award bilang Best Actress sa isang episode ng Tadhana at si Dingdong naman bilang Best Documentary Host para sa Amazing Earth.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram at Facebook account, ipinagmalaki ni Dingdong ang kanyang misis dahil sa sunud-sunod na rekognisyong natatanggap nito ngayon sa iba’t ibang award-giving bodies.
Naging espesyal sa mag-asawa ang “Ang Milya-milyang” episode ng Tadhana dahil si Marian ang bida at si Dingdong naman ang nagdirek.
Sa caption ni Dingdong sa kanyang IG post, nagbalik-tanaw siya sa unang pagkakataong nakasama niya si Marian sa dating GMA-7 primetime series na Marimar.
Noon pa lang daw ay nakita na niya ang extraordinary talent nito.
Ani Dingdong, “In 2007, I had the privilege of working with Marian in Marimar, and as her co-actor, I saw in her that extraordinary talent that most people in our industry—including myself— would want to achieve and unlock. Sabi ko sa sarili ko, ‘this person is a natural.’
“I never thought the day would come when i could direct her in a sensitive drama that showcased her God-given gift.
“So here she is now, more than a decade after, with an official recognition by the OFW Gawad Parangal ng KAKAMMPI for her exemplary performance in Tadhana.
“I am just so happy to have witnessed first hand this milestone behind the camera.
“The great Maryo J once said that a director will always be the first to see what he/she wants the audience to experience.
“True enough, during that episode, i knew that this day would come.
“On and off screen, in my lens as a husband, she will always be my best actress. Magaling din kasi magdrama sa bahay.
“So proud of you Baby. Congratulations on this much deserved, long overdue award!”
Nag-reply naman si Marian sa post na ito ni Dingdong at pabirong sinabi na, “Whahahaha kaloka ka! Madrama pa ah dalang dala ka naman. Hahahaha! Love you! Thank you for everything!”
Sa kanyang hiwalay na post sa Instagram, sinabi ni Marian na espesyal sa kanya ang natanggap na Best Actress award mula sa OFW Gawad Parangal KAKAMMPI.
Mensahe ng Kapuso star, “Special sa akin ang episode na ito dahil muli kami nagkasama sa trabaho ng asawa ko bilang aking director.
“Salamat sa yo Mahal ko, sa suporta, pag-aalaga at pag guide mo sa akin para maibigay ko ang tamang pagganap.
“Personal man o sa trabaho, you always bring out the best in me. Naks! At lalo pang naging special dahil sa nabigyan ako ng parangal.
“Salamat pong muli KAKAMMPI.”
Bukod sa naturang award, katatanggap lang din ni Marian ng Huwarang Aktres sa Telebisyon mula naman sa Indie Film Festival, Female Makabata Stars ng Anak TV Seal Awards, at Advertisers Friendly Female Host of the Year at Most Admired Family Endorser of the Year mula sa Comguild Academe’s Choice Awards.