Zanjoe Marudo explains why Playhouse story now focuses on Carlo-Angelica team-up

by Melba R. Llanera
Dec 15, 2018
<p>Zanjoe Marudo (left) is thankful for opportunity to star with Angelica Panganiban in a project. "Ang saya lang ng pakiramdam na this year siya nangyari, yung nagkasama kami sa isang project dahil isa siya sa gusto kong makatarabaho. Natuwa ako na nangyari siya this year." Their teleserye <em>Playhouse</em> now focuses on the characters of Angelica and Carlo Aquino (middle). </p>

Marami sa mga masusugid na viewers ng Playhouse ang nakapansin na mukhang sa tambalang Patty at Dr. Harold (mga karakter na ginagampanan nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino) mas nagpo-pokus ngayon ang kuwento ng serye kumpara kina Angelica at Zanjoe Marudo na siya talagang mga bida rito.

Depensa naman ni Zanjoe sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) at Cinema News sa nakaraang annual Star Magic Gives Back charity event na ginanap sa Cranio Facial Foundation of the Philippines sa Sta. Mesa, Manila, nakatulong nang malaki sa Playhouse ang tambalang CarGel at hindi dapat gawan ng isyu ang tinatakbo ng kuwento ng serye.

Paliwanag niya, “Sa simula pa lang naman, di pa man kami nagte-taping, alam naman naming lahat kung ano ang mangyayari.

“Masaya, lalong sumaya yung set.

“Mas nadagdagan kami ng artista, kaibigan pa namin—si Carlo.

“Ang lakas pa ng team-up nila ni Angelica.

“Mas naging maganda yung show, mas naging challenging siya para sa akin, kay Carlo at kay Angelica na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Isabelle Daza, pumasok na rin.

“Mas nakakatuwa, wala pa akong naririnig na inaayawan o galit sa isang character sa Playhouse.

“Kahit na si Maxene na kontrabida, lovable pa rin siya, kaya nakakatuwa.

“Mami-miss ko itong show na ito dahil gusto ko ang mga ganitong klaseng show.”

ONSCREEN CHEMISTRY WITH ANGELICA

Sa kabila ng CarGel fans na tutok sa tambalan ng dalawa sa Playhouse, marami na rin namang fans ang tambalan nina Angelica at Zanjoe dahil sa teleserye.

Ayon sa aktor, masaya siya dahil isa talaga si Angelica sa gusto niyang makatrabaho sa isang proyekto.

Saad niya, “Siguro dahil kumportable na kami sa isa't isa bago pa kami nagkatrabaho.

“First time namin talagang magsama sa isang project.

“Nakakatuwa na yung kasama ko, dahil si Angelica ang kasama ko, napapadali lahat.

“Yung chemistry, yung pagiging natural sa mga eksena, yung pagiging mag-asawa namin, ang saya,

“Ang saya lang ng pakiramdam na this year siya nangyari, yung nagkasama kami sa isang project, dahil isa siya sa gusto kong makatrabaho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Natuwa ako na nangyari siya this year.”

FAMILY THEME

Para kay Zanjoe, sobra niyang nae-enjoy ang pinagbibidahang teleserye kung saan isa sa iniikutan ng istorya ay tungkol sa pamilya.

Ani Zanjoe, “Siyempre isa siyang experimental na teleserye, so natutuwa kami na marami kaming nata-touch na puso ng bawat pamilya, kasi tungkol siya sa pamilya.

“Gusto ko talaga na gumagawa ng ganung klaseng project.

“Ang sarap nung nakaka-relate sila dahil nakikita nila sa mga characters namin kung ano ang nangyari sa buhay nila.

“Sobrang happy ako sa Playhouse dahil umpisa hanggang ngayon, tuluy-tuloy.

“Nag-e-enjoy ako sa trabaho ko, sa mga kasama ko.

“Lumalabas naman siya sa screen so mas nakakatuwa, doble yung saya.”

OPEN TO WORKING WITH BEA

Sa kabila ng paghihiwalay nila ni Bea Alonzo ay napanatili nila ng aktres ang pagiging magkaibigan.

Patunay nga nito ay gusto din ni Zanjoe na makasama at makapareha sa isang proyekto ang dating kasintahan kung mabibigyan sila ng pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis niyang pahayag, “Oo naman, gustung-gusto ko pa rin siyang makatrabaho.

“Sino ba naman ang aayaw, di ba?

“Ang sarap siguro nung magkaroon kami ng project together sa pelikula.”

THANKFUL FOR BLESSINGS IN 2018

Sa pagtatapos ng 2018, thankful ang Playhouse actor na naging maganda ang tinakbo ng taon para sa kanya.

Nang tanungin namin kung ano naman ang inaasahan niya sa darating na 2019, para kay Zanjoe ay mas gusto niya munang i-enjoy ang pagtatapos ng 2018.

Sabi niya, “Thankful ako na kahit ilang years na ako dito [ABS-CBN], magaganda pa rin yung mga blessings, yung mga projects na dumarating sa akin.

“Di ko pa iniisip masyado kung ano ang mangyayari sa akin sa 2019.

“Mas gusto kong matapos ang 2018 na kuntento ako, na masaya ako, na proud ako dun sa mga ginawa ko buong taon.

“Kumbaga, na-satisfy ko ang sarili ko na tama ang mga nagawa ko at proud ako sa mga nagawa ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PROUD OF CHARITY EFFORTS

Sa Star Magic Gives Back charity event ngayong 2018, pinuntahan nina Zanjoe at ng iba pang ABS-CBN stars ang Cranio Facial Foundation of the Philippines sa Sta. Mesa, Manila para magbigay ng regalo at maghatid ng kasiyahan sa mga batang may bingot o harelipped.

Masaya si Zanjoe na nakapagbahagi siya ng tulong at tuwa sa mga bata.

“Actually, maganda para sa amin kasi minsan sa trabaho namin kahit na magki-Christmas, nagsyu-shoot pa rin, nagte-taping pa rin kapag may ongoing na teleserye.

“Masarap sa pakiramdam na may ginagawa ang Star Magic na ganito, alam mo yun?

“Mas napapadali minsan, di na pumapasok sa isip mo, minsan nakakalimutan mong mag-give back.

“Ang sarap ng pakiramdam na kahit pagod ka, kahit marami kang iniiisip, nabibigay mo yung oras mo sa ganitong mga bagay.

“Parang nare-recharge ka.

“Makikita mo yung mga ngiti nila.

“Yung mga ngiti lang nila, malaking bagay na yun para sa akin,” pag-amin ni Zanjoe.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Zanjoe Marudo (left) is thankful for opportunity to star with Angelica Panganiban in a project. "Ang saya lang ng pakiramdam na this year siya nangyari, yung nagkasama kami sa isang project dahil isa siya sa gusto kong makatarabaho. Natuwa ako na nangyari siya this year." Their teleserye <em>Playhouse</em> now focuses on the characters of Angelica and Carlo Aquino (middle). </p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results