Will Regine Velasquez sitcom replace Toni Gonzaga show?

by Rose Garcia
Dec 23, 2018
<p>Toni Gonzaga addresses rumors surrounding her four-year-old sitcom, <em>Home Sweetie Home.</em></p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Binigyang linaw ni Toni Gonzaga ang kumakalat na ispekulasyon na matatanggal na sa ere ang ABS-CBN sitcom niyang Home Sweetie Home.

Masasabing naka-survive ang sitcom nilang ito mula sa pagkawala ng leading man niya rito na si John Lloyd Cruz, hanggang sa ipinasok na si Piolo Pascual.

Four years na itong umeere sa Kapamilya Network simula nang mag-pilot noong January 2014.

“So far sa ngayon, wala pa namang advice sa amin,” ang naging pahayag ni Toni.

“Pero, if ever...kasi noong pumirma ako sa contract ko under ABS-CBN, part pa yung Home Sweetie Home. So hindi ko pa alam.”

Dalawang taon pa raw ang pinirmahan niyang kontrata noong isang buwan lang.

Sabi rin niya, “Pero siyempre, things can actually change. Hindi rin natin masasabi.”

May ilang usap-usapan na diumano’y papalitan ang Home Sweetie Home ng bagong sitcom ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

“Hindi pa namin alam, hindi ko lang sure,” saad ni Toni.

Nag-iba na rin naman daw ang kuwento ng HSH, at nanatili pa ring mataas daw ang ratings nito.

“Okay naman siya, name-maintain pa naman namin ang ratings, so thankful naman kami na may mga solid viewers pa rin ang Home Sweetie Home. I think, whatever happens with Home Sweetie Home, ganun naman talaga. Shows come and go.”

Sa grand presscon ng 2018 Metro Manila Film Festival entry niyang Mary, Marry Me namin nakausap si Toni. Ang nag-produce ng rom-com movie na ito ay ang sariling film outfit ni Toni, ang TinCan Productions.

Diretsahan namang tinanong si Toni kung naramdaman ba niya na parang iniwan siya sa ere ni John Lloyd nang hindi na ito nag-taping ng Home Sweetie Home?

“Hindi naman, hindi naman,” saad ng Kapamilya actress.

“Hindi kami nagkausap na. Pero, naiintindihan ko naman ang mga artista. May kanya-kanyang breaking point ang lahat ng tao.

“It just so happened na kami ang magkatrabaho at that time. Pero, I didn’t take anything personally kasi trabaho lang naman lahat, e. Huwag mong pepersonalin ang mga bagay-bagay lalo na kung trabaho, so okay lang.”

Naitanong din kay Toni: Nakita ba niya noon si John Lloyd nang ma-in-love ito kay Ellen Adarna at naisip ba niyang magagawa nitong iwan ang sitcom nila?

“Hindi, wala naman akong...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi when it happened, I just gave birth. So wala pa run ang concentration ko. Hindi ako nakapag-focus sa aspect na yun ng programa namin because nag-lie low ako sa showbiz.

“And the only show that I was doing at that time was Home Sweetie Home. I only worked once a week. Pinu-fulfill ko lang ang contract ko sa ABS pero hindi pa ko full bumalik sa showbiz nung time na yun.

“Oo naman, wala naman kaming pinag-awayan actually,” saad niya.

“Ang relationship namin ni Lloydie is very professional lang.”

Hindi ba sila yung nagkakaroon ng palitan ng text messages?

“Meron akong number ni Lloydie. Pero, alam mo yun, sometimes you want to give that person some space that maybe he really wants. If he distanced himself from the industry, maybe he needs that time, so we respect that.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Toni Gonzaga addresses rumors surrounding her four-year-old sitcom, <em>Home Sweetie Home.</em></p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results