Ryza Cenon makes one wish for her ABS-CBN teleserye The General's Daughter

by Rose Garcia
Dec 27, 2018


Noong December 21 ay nag-celebrate ng kanyang 31st birthday ang ABS-CBN actress na si Ryza Cenon.

Noong December 16, ipinagdiwang na niya ito sa pamamagitan ng isang intimate birthday party sa Alegria.

Si Ryza ang isa sa mga owners ng Alegria Restaurant sa BGC.

Ngayong 31 years old na siya, masasabi na ba niyang wiser na siya?

“Dapat, kailangan... at saka, maging stronger and lalo na ngayon na maraming shows, dapat maging healthy rin,” natatawang sabi ng former GMA-7 star.

Ano ang birthday wish niya?

“Yung wish ko lang sa birthday ko, yung health ko, kasi dalawa ang shows ko. Yung Ang Probinsyano at saka The General’s Daughter. Kailangan kong alagaan ang sarili ko, and peace of mind.”

Sabi namin kay Ryza, pagdating sa kanyang career ay ang ganda ng pagtatapos ng 2018.

Bukod sa Ang Probinsyano, kasama rin siya sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Jack Em Popoy: The PulisCredibles.

Maganda rin ang papasok ng taong 2019 dahil sa bago niyang Kapamilya teleserye na The General’s Daughter.

“Yes, good year naman siya,” pagsang-ayon niya. “Siyempre, may mga downside rin. Hindi naman puwedeng perfect lang ang year mo, e. May mga downside naman at makakayanan naman.”

Kapapanalo lang niya ng Best Actress award sa Indie Bravo Awards ng Philippine Daily Inquirer para sa pelikulang Mr. & Mrs. Cruz.

Napapangiting lahad ni Ryza, “Hindi ko pinangarap yung maging Best Actress sa ibang bansa pero binigay Niya sa akin.”

Sa 2019, isa sa mga pangarap na gustong tuparin ni Ryza ay ang pagkakaroon ng sariling bahay.

Sinimulan niya ang wish list sa pagsabing, “Siguro, yung success na buong pagtanggap ng mga viewers sa The General’s Daughter and more projects and endorsements.”

Saka idinugtong niya, “Sana makabili na ko ng house!"

Paliwanag ng aktres, “Di ba, super tagal... pero parang feeling ko talaga, hindi pa time. Parang sabi ni Lord, dalawang attempt naman na talaga. Pero hindi talaga inaapruban ni Lord, parang maghintay muna raw ako sa right time.

“Malay niyo, 2019 is the right time para magkaroon ako ng chance. Parang nauna muna yung mga business, like itong Alegria. Naka-one year na rin kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Kapaskuhan, katulad ng nakaugalian ni Ryza sa loob ng 10 taon, sa halip na maghanda sa bahay at mag-noche buena sa bisperas ng Pasko, ang ginagawa nito ay umiikot sa Kamaynilaan at nagbibigay ng iniluto niyang pagkain sa mga street children.

“Yearly na yun, e, parang yun na talaga ang naging tradition ko. Kapag Christmas naman talaga nag-iikot ako, randomly nagbibigay ako ng pagkain sa mga tao sa kalye, na do’n sila nagki-Christmas.

“Randomly, iikot lang talaga ko. Kapag may nadaaanan akong family na natutulog sa kalye, aabutan namin ng food. Kasama ko ang kasambahay ko.

“Kaming dalawa ang nag-iikot.”

Bakit niya ginagawa yun?

“Doon talaga ako nagki-Christmas. Yung December 24 kasi, ako lang naman mag-isa. Si Lola ko, minsan umuuwi ng province. Parang sanay na rin ako na ganun ang Christmas ko.

“Kasi, kung maghahanda ka sa bahay mo, ikaw lang, tapos siyempre, mami-miss mo ang family na dapat kapag Christmas, family ‘yan, kumpleto. At least, marami akong natutulungan.”


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results