Pinoy wins The One singing competition in UAE

Jovan Aquino wins The One UAE, the biggest reality competition show in the United Arab Emirates.


Muling kinilala ang talento ng Pinoy sa larangan ng pag-awit sa pinakamalaking reality competition show sa United Arab Emirates.

Nagwagi ang Pinoy na si Jovan Aquino na taga-San Pablo, Laguna bilang kauna-unahang winner ng The One UAE noong December 31 sa IMG Worlds, Dubai.

Sa kanyang Instagram account, pinost ni Aquino ang pag-announce na siya ang nanalo ilang minuto bago sumapit ang Bagong Taon.

“I’m still speechless and I still couldn’t believe it. What a way to close 2018’s door and what a great start for me this 2019. Lord God, you have paved my way here since the very beginning. To my family, relatives, and friends who never stopped believing in me, THANK YOU,” caption ni Aquino sa kanyang Instagram post.

Ang naging winning song ni Aquino ay ang "Feeling Good" ni Michael Buble.

Ang premyo na napanalunan ni Aquino bilang winner ng The One UAE ay 12,500 UAE dirhams or PHP 178,594.76 Philippine pesos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang buwan daw na nakipag-compete si Aquino sa The One UAE at nag-enjoy siya sa naturang contest.

“I enjoyed every minute of it not thinking that eventually, I’ll be the one,” nasabi pa ni Aquino na nagtatrabaho bilang isang project manager sa Aldrich International. Isa rin siyang events host at street photographer.

Nakalaban ni Aquino sa finals ang kapwa Pinoy niya na si Ivy Grace Paredes na naging contestant ng X Factor UK noong 2016.

Ayon sa website ng The One UAE, isa si Jovan sa 6 finalists sa Above 21 category. Lima sa finalists ay mga Pinoy.

Ang mga umupo bilang panel of judges ng The One UAE ay ang sikat Indian singer na si Shibani Kashyap; ang lead vocalist ng Nepal-based rock group na THE EDGE na si Jeewan Gurung; at ang musician at vocal coach na si Stacy Smith.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN