Pauline Mendoza explains why her temper flared while shooting fight scene

by Ruel J. Mendoza
Jan 9, 2019
<p>"Feeling ko ako yung medyo uminit ang ulo," admits Pauline Mendoza about her fight scene for the GMA-7 teleserye <em>My Love From The Star.</em></p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Isa ang Kapuso teen actress na si Pauline Mendoza sa bini-build up ngayon ng GMA-7 na maging future leading lady sa kanilang mga teleserye.

Kabilang ngayon si Pauline sa cast ng Cain At Abel bilang kapatid ni Sanya Lopez, pero lumabas na si Pauline noon sa mga teleserye na Juan Happy Love Story nina Dennis Trillo at Heart Evangelista, That's My Amboy ni Barbie Forteza, Little Nanay ni Kris Bernal, Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes at My Love From The Star nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Naging breakout role ni Pauline ang mapaghiganteng multo sa Kambal, Karibal.

Bilang artista ay iba't ibang klaseng tao ang nakakatrabaho ni Pauline sa mga nagawa na niyang mga teleserye. Madalas naman daw na walang nagiging problema, pero dumarating daw ang pagkakataon na may naka-eksena siya na hindi pinaalam ang gagawin sa kanya sa isang fight scene.

Sa pag-guest ni Pauline sa Kapuso show na Mars kamakailan, naikuwento nito na minsan na siyang napikon sa isang ka-eksena niyang talent sa set ng My Love From The Star.

"May naalala akong experience, may naka-eksena akong talent. Yung eksena, fight talaga, sasabunutan niya ako.

"Yung eksena, manggagaling ako sa hill, tapos hahatakin niya ako pababa. Yun po ang alam ko… yun po ang napag-usapan namin.

"And then noong nag-action na, hindi ko alam na... sinampal niya ako, e, ang haba pa ng nails niya. Tapos naka-ganito pa siya [closed fist] kaya nasugatan yung mukha ko.

"Hindi naman super sugat. Hindi ko yun makakalimutan. Feeling ko ako yung medyo uminit ang ulo," kuwento ni Pauline.

Hindi naman daw sinita ni Pauline ang talent sa ginawa nito. Mahinahon na nag-usap sila at pinayuhan pa niya ito.

"Pero after naman no'n, pinag-usapan naming dalawa iyon, okay na po kami.

"'Next time, kausapin mo yung makaka-eksena mo,' yun ang sinabi ko sa kanya."

Dahil professional si Pauline, kahit na nasaktan siya sa eksena, tuloy lang ang pag-arte niya.

"Nagulat kasi talaga ako.

"Nagda-dialogue pa ako, biglang sinampal ako.

"Pero tinuloy po namin yung scene."


Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>"Feeling ko ako yung medyo uminit ang ulo," admits Pauline Mendoza about her fight scene for the GMA-7 teleserye <em>My Love From The Star.</em></p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results