Alden Richards not sure yet if he will have a project with Maine Mendoza

by Rose Garcia
Jan 12, 2019
<p>Alden Richards is not sure if there's a project being lined up for him and Maine Mendoza this 2019.</p>
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram

Sa puntong ito ng career ni Alden Richards, na eight years na ring nasa showbiz, ang goal niya ay ang maituring na isang versatile actor.

Dati, tuwing natatanong namin siya kung anong roles ang gusto niyang gawin, madalas niyang nababanggit na gusto niya ng mga dark characters.

"Gusto ko po talagang bumalik dun sa drama acting na medyo lalagyan ng darkness. Ang huling ganun ko pa po, yung The Road. Gusto ko naman pong gumawa ng maraming ganun para iba naman po ang maipakita ko sa audience at mga fans ko po."

Ang binanggit na pelikula ni Alden ay ipinalabas noong November 2011, at idinirek ni Yam Laranas.

Sigurado, may pelikulang gagawin si Alden ngayong taong ito, pero hindi pa lang daw niya masabi kung anong genre.

"Sa ngayon po, may mga offer, may pitch ng romcom, may pitch ng horror, dark story, pero wini-weigh pa po namin kung ano ang mga dapat tanggapin. Siyempre, it’s gonna be another movie after yung movie po namin ni Maine.

Continue reading below ↓

"So pinag-iisipan pa po at pinagpaplanuhan pa po ng management."

Hindi pa rin daw masabi ni Alden kung ano ang posibleng gawin nila ni Maine na magkasama.

"Hindi ko pa po sure kung magkaka-movie kami or soap. Pero siguro naman po may project kami soon na dalawa.”

Kung papipiliin siya, mas gugustuhin pa rin ba niya ang magkaroon ng permanenteng ka-love team o yung paiba-ibang leading ladies?

"Mas okay po yung paiba-iba," saad niya.

"Pero siyempre po, when regards to work, tinatanggap ko without question. Kasi, hindi naman po talaga ako choosy sa trabaho from the very start.

"And being in a different love teams, iba-ibang experience po."

Marami pa rin daw Kapuso actress na hindi pa talaga niya nakakasama.

"Sana po si Heart [Evangelista] kung may chance. Jennylyn Mercado, Lovi Poe, yung mga leading ladies natin. Marami pa po."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa thanksgiving lunch niya sa para entertainment press noong January 6, sa Concha’s Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Alden Richards is not sure if there's a project being lined up for him and Maine Mendoza this 2019.</p>
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results