Kyline Alcantara dismisses rumored rivalry with Inagaw na Bituin co-star Therese Malvar

by Glenn Regondola
Jan 12, 2019
<p>Kapuso actress Kyline Alcantara on being pitted against award-winning actress Therese Malvar<em>:</em> “Sabi nga po nila, para kaming bagets na Nora Aunor at Vilma Santos."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Napapangiti na lang ang tinaguriang “La Nueva Kontrabida” na si Kyline Alcantara, dahil as early as now ay may mga gustong pagsabungin sila ng young actress na si Therese Malvar.

Ang dalawang Kapuso stars kasi ang magkasama sa isa sa bagong proyekto ng GMA-7 sa taong ito, ang Inagaw na Bituin.

Dahil parehong award-wining actresses sina Kyline at Theresa, marami na kaagad ang nagkukumpara kung sino sa kanila ang mas magaling, kahit hindi pa nakukunan ang mabibigat na eksena kunsaan magpapakita sila ng kani-kanilang husay sa pag-arte.

Kaya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline noong nakarang linggo sa isang resto sa Timog Avenue, Quezon City, inalam namin ang damdamin niya tungkol sa isyung ito.

ONSCREEN RIVALS?

Pahayag ng Kapuso teen actress, “Sabi nga po nila, para kaming bagets na Nora Aunor at Vilma Santos.

“Well, siyempre po, just like what I did sa Kambal, Karibal, I watched so many series sa ibang bansa just to get different acting patterns, at para po maka-create ng certain character.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, akala nga nila sobrang bilis makahanap ng character. Ang hirap po.

“Ang hirap lalo na sa parte ko na ang dami ko nang ipinakitang combinations sa Kambal.

“Naging mabait ako dun, masama ako dun, naging tama lang ako dun, so, parang kinakabahan ako.

“And si Therese, wow, alam natin na ang dami na niyang acting awards especially international recognitions pa yung iba, so mas nakaka-challenge po talaga.”

NO COMPETITION

Pero bagamat alam niyang super-galing ang kanyang bagong kasama sa teleserye, hindi siya nagpi-prepare para talbugan o makipag-compete sa kanya.

Sabi ng 16-year-old Kapuso star, “Nope, hindi po.

“Kung nagpi-prepare man po ako, yun ay para sa sarili ko na rin po at para sa ikagaganda ng show namin ni Therese.

“Hindi ko po iniisip na makipag-compete sa kanya, dahil hindi maganda ang kalalabasan ng acting ko kung ganun. Totoo po yun.

Continue reading below ↓

“I know po na magaling siya, hinahangaan ko siya, at nirerespeto ko po siya bilang artist at bilang tao. Yun po.

“Yung ibang tao lang naman ang... yung as early as now, ang dami-dami na nilang sinasabi.”

Dugtong pa niya, “Ang dami ko pong nababasang articles na parang kinuha raw po niya yung role ko sa dating ano...

“Well, hindi ko naman po iniisip na kinuha niya, o pinalitan yung role.

“That’s for her. Kung para sa kanya, para sa kanya talaga.

“Nakikita ko naman po sa kanya na very professional siya, and ako din po.

“Magwu-work kami hindi para mag-compete sa isa’t isa but we need to work together to make this a successful teleserye.”

Nagkaroon na ba sila ng bonding moments para mas maging okey ang kanilang pagtatrabaho?

Aniya, “Ang tagal-tagal ko na po kasi siyang nakilala, so I’m comfortable with her.

Continue reading below ↓

“Pero as our characters, hindi ko pa po nadi-discuss sa kanya kung ano ang gagawin naming attack.

“But for sure, as we go along, mag-uusap at mag-uusap po kami at pag-uusapan naming yan.”

PRESSURED PLAYING NON-KONTRABIDA ROLE

Sa totoo lang, mas malakas daw ang pressure sa kanya ng bagong project na ito, dahil nga first time niyang magbida, at ang lakas ng pinanggalingan niyang show.

Diretsahang pag-amin ni Ky, “To be honest po, talagang kinakabahan talaga ako.

“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa akin ng mga tao, at sobrang risky din po yung... lalo na po yung first few weeks kapag ipinalabas na ito.

“Feeling ko, mas mahirap yung maging bida, kaysa sa pagiging isang kontrabida.

“Basta ganun po ang pakiramdam ko.”

Sa pagkakaalam ng PEP.ph, sa February pa ipapalabas ang teleseryeng ito, pero nakailang taping days na rin sila at naghahanap pa raw sila ng leading man na aakma sa husay ng dalawang teen actresses na ito.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kapuso actress Kyline Alcantara on being pitted against award-winning actress Therese Malvar<em>:</em> “Sabi nga po nila, para kaming bagets na Nora Aunor at Vilma Santos."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results