Janine says Rayver allayed her fears about prosthetics

by Rommel R. Llanes
Jan 19, 2019
<p>Janine Gutierrez talks about her upcoming GMA-7 show titled <em>Dragon Lady. </em></p>

Pagkatapos ng Victor Magtanggol ay magbibida si Janine Gutierrez sa upcoming GMA-7 series na Dragon Lady.

Ano ang pakiramdam na pinagkatiwalaan siyang muli ng GMA na magbida sa isang series siya pa mismo ang nasa title role?

“I’m so grateful kasi nung VM, ang hinihingi sa akin ng mga Kapuso ay sana mas palaban, mas independent. So ngayon, ito na talaga yung pinagdarasal ko na kuwento.

“I’m so grateful to GMA for trusting me and putting me on a show with Tom [Rodriguez].

“Talagang giving a story na mag-e-enjoy kasi there are something for everyone naman. There’s fantasy, there’s drama, love story, mag-ina, lahat na!”

Nakausap namin si Janine sa workshop ng GMA Artist center sa ilalim ni Anthony Bova noong January 14 sa GMA Network Complex.

Nagbahagi si Janine ng ilang mga detalye tungkol sa mga aabangan sa Dragon Lady.

“Si Dragon Lady kasi may pagka-superhero. Meron siyang kakaibang abilities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“First time ko talaga gumawa ng role na… may powers siya. At bukod dun, may prosthetics na talagang mag-iiba yung anyo niya.

“And first time ko gumawa ng full prosthetics na dalawang oras, tatlong oras yung preparasyon para makuha nang maganda. Pero when you see the final result, talagang ang pulido, ang galing!

“And first time ko aarte na may kakaiba akong anyo. So yun dapat ang abangan.”

Inamin pa ni Janine:

“When I was told na may prosthetics... Fear ko yun, e.”

Bakit siya takot sa prosthetics?

“Mahirap kasi na naka-prosthetics ka. Taping while it’s.. hindi ko pa na-experience yung reaksyon ng balat ko. Hindi ko alam kung magagalaw ko pa yung mukha ko.

“When we did the prosthetics test, sobrang namangha ako kasi kapag nakasalpak na, hindi mo na pala siya gaanong mararamdaman.”

Paano niya na-overcome ang fear na iyon?

“I guess I had to see it for myself talaga and try it. Sobrang bait nung prosthetics team."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Janine, malaking tulong ang kanyang boyfriend na si Rayver Cruz para malagpasan ang takot niya sa prosthetics.

“And… ano kasi, si Rayver kasi worked with them. He worked with them in Bagani. So mas nakampante… medyo nakampante ako.”

Ang Bagani ay ang former ABS-CBN show ni Rayver bago siya lumipat sa GMA-7.

“Sabi niya, 'Ah, mababait ‘yang mga ‘yan… magagaling ‘yan!’

“And when I saw it myself talaga… ang galing! Ang galing ng pagkagawa nila.”

Ano ang naramdaman niya nang sabihin sa kanya ng GMA na may bagong show na siya ang bida?

“Nung sinabi sa akin na Dragon Lady, sabi ko talaga, ‘Dragon Lady?! Ano yun?’

“Hindi ko alam kung… ang dami nang pumasok sa isip ko. And I was right kasi ang dami pala talagang aspect ng show. Merong fantasy, merong about family, merong about love.

“Pero I think it’s all about finding yourself and finding exactly you’re fighting for. Tapos sobrang exciting niya kasi nakakaintriga yung kuwento. May mga sekreto, may mga sumpa, may suwerte. So dun iikot lahat ng pangyayari sa Dragon Lady."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibang-iba raw ito sa mga roles na nagawa na niya dati.

“Siguro ito na yung pinakapalaban kong role...na talagang matapang.

“Fierce and yun talaga yung isa sa pangarap ko na magawa na show.

“So excited ako, excited ako na mapakita naman yung ibang side and I’m really, really excited to work with Tom dahil I’ve always been a fan.”

Ang Kapuso hunk na si Tom Rodriguez ang leading man ni Janine sa Dragon Lady.

Anina Janine, “Yung My Husband’s Lover talagang sinubaybayan ko. Talagang umuuwi ako nang maaga para mapanood ko.”

Phenomenal ang tagumpay ng MHL nina Tom at Dennis Trillo na umere sa GMA noong 2013.

Dagdag ni Janine, “Then I have worked with him once sa Magpakailanman. So, excited ako na for the first time in a series, magkasama kami.

“Isa rin kasi yun sa mga nasa bucket list ko, na pangarap kong makatrabaho so for the first time makakasama ko siya sa show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang paghahandang ginagawa ni Janine para sa Dragon Lady?

“Now that everyone’s asking, I feel like underprepared,” at tumawa ang Kapuso actress.

“Well, we’ve been doing workshops with GMA Artist Center, with Anthony Bova. Super intense workshop siya.

“So yun, we’ve been doing workshops. May workshop din kami with the cast mismo and yung mga batang version namin mismo sa Dragon Lady.

“And I’m excited for everyone to see the kids din. Mga baguhan din sila pero as in mahusay. Natural yung acting talent nila.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Janine Gutierrez talks about her upcoming GMA-7 show titled <em>Dragon Lady. </em></p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results