Can The Boobay and Tekla Show go head to head with Gandang Gabi Vice?

IMAGE Rommel Gonzales

Comedian Tekla (right, shown with onscreen partner Boobay) on The Boobay and Tekla Show being pitted against Vice Ganda's top-rating TV show Gandang Gabi Vice: "Maraming mas puwedeng ilagay dito sa ganitong show, but the management, kami yung pinili."


Magkahalo ang saya at kabang nararamdaman ngayon ng stand-up comedian na si Tekla.

Mula kasi sa pagiging GMA online show ay sa GMA-7 na mapapanood ang show nila ni Boobay, ang The Boobay and Tekla Show, simula January 27, Linggo, mula 10:25 to 11:25 pm.

Pero mabigat ang katapat nila sa kanilang Sunday evening slot—ang Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda sa ABS-CBN.

Lahad ni Tekla, “Yung saya, yung galak, siyempre sobra 'yan kasi trabaho 'yan, e.

“Kumbaga, ang daming naghahanap ng work ngayon.

“Ang daming naghahanap ng exposure, alam natin 'yan, maraming mahusay.

“Maraming mas puwedeng ilagay dito sa ganitong show, but the management, kami yung pinili.

“So ang laki ng expectation at tiwala ng management sa amin.

“And yung kaba, lalabanan mo lang naman yun, e.

“Be yourself. Alam mo sa sarili mo kung ano ang nakakatawa.”

Hindi na raw nila tinanong ang GMA kung bakit kay Vice sila itatapat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakli niya, “Siyempre, desisyon na nila yun at saka kung ano ang ano, susunod lang naman kami.

“Hindi naman talaga itinapat, nagkataon lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tekla sa presscon ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) noong January 14 sa 17th floor ng GMA Network.

WEATHERING THE STORMS

Alam ng lahat na marami nang pinagdaanan si Tekla sa buhay.

Thankfully, nalampasan na raw niya ang mga ito.

Ano ang mga natutunan niya mula sa lahat ng intriga’t unos sa buhay niya?

Sabi niya, “Ano lang…magpakumbaba ka lang no matter what.

“Pero hindi yung magpakumbaba ka na aapakan ka na lang.

“Siyempre, magpakumbaba saka be yourself.

“Kasi yun yung importante, e.

“Kasi kailangan… dyusko sa mundo namin, talagang sobrang mabigat ang kumpetisyon dito, lalo na sa aming mga komedyante…

“Siyempre kailangan mo ring pag-aralan at marunong ka ring sumabay sa lahat ng mga ano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVING ON FROM INTRIGUES

Sa mga intriga sa kanya, saan siya pinaka nasaktan?

“Intriga? Yung mga bagay na hindi naman totoo,” giit niya.

Ang tungkol sa pagsusugal o bisyo niya?

Aniya, “Yes, I’ve been there, pinagdaanan ko na lahat 'yan, di ba?”

Nakaraan na, kumbaga?

“Yes, kumbaga…ganun talaga siguro, suspicious-looking talaga, e. Hahaha!

“And I admit it, na-admit ko na sa sarili ko yun.”

Bakit doon siya pinaka nasaktan?

“Ganun talaga siguro, ‘no?

“Once na dumaan ka diyan, noted ka na sa ganun. Yung ang hirap i-erase.”

Kahit huminto na siya...

“Yes.”

Tumigil na ba talaga siya sa kanyang bisyo?

Diin niya, “Yes, of course.

“Wala ako ngayon dito kung I’ve been there, kasi number one pag sa ganyan ka nag ano, wala, lutang ka talaga.

“As I said sa mga interviews ko, nung nagkaroon ako ng ganyan, dyusko, nasa loob lang ako ng room.”

CHANGING FOR THE BETTER

Ano ang nagpabago sa kanya para iwanan na ang mga problema, ang bisyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, dumadating tayo sa point ng buhay natin na kailangan nating i-drop lahat, kasi hindi mo puwedeng yakapin, e, 'til the end.

“Kasi mas maganda pa rin na pagtanda mo na…”

At sayang ang pera.

“Oo.”

Ngayon ba ay marami na siyang pera?

“Marami. Ha! ha! ha!”

GOD-GIVEN TALENT

Straight na lalaki si Tekla.

Trabaho lang sa kanya ang pagiging Tekla.

Pag-amin niya, “Yes. Nakuha ko ‘tong ganitong look sa comedy bar.”

Bakit ang galing-galing niya?

“Gift po ng God ‘to, kasi bihira sa isang performer or sa isang comedian na biyayaan ng ganun, kasi yung…

“Basta yung nanu-notice ko lang, every time I come up on stage, pag hawak ko na yung mic, may magic na, e.”

Siya lang yata ang straight guy na kapag nagpe-perform na sa comedy bar o sa TV ay nagiging bading na. Meron pa bang iba?

“Hay naku, pag nakita niyo po ako in person, naku naka-sando lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ninyo ako ma-identify, kasi as in… parang mag-aayos ng aircon.”

Nag-iisa siya sa daigdig ng komedya na straight guy pero bading ang character.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN