Super Tekla recalls being removed by Willie from Wowowin

by Ruel J. Mendoza
Jan 20, 2019
<p>Comedian Super Tekla (right, shown with onscreen partner Boobay) remains grateful to Willie Revillame: "Kung hindi dahil kay Kuya Wils, walang Super Tekla na mapapanood sa telebisyon ngayon. Utang ko sa kanya kung nasaan ako ngayon."</p>
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Kahit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon sina Super Tekla at Willie Revillame, nagkaayos na raw sila at willing si Tekla na mag-guest sa Wowowin dahil sa laki ng utang na loob niya rito.

Diin ni Tekla, never daw siyang magagalit kay Willie dahil binago nito ang buhay niya.

“Kung hindi dahil kay Kuya Wils, walang Super Tekla na mapapanood sa telebisyon ngayon.

“Utang ko sa kanya kung nasaan ako ngayon.

“Nagkaroon man kami ng problema noon pero tapos na iyon.

“Okay na kami ni Kuya Wils at sinabi ko naman sa kanya na anytime na kailangan niya akong lumabas sa Wowowin ay gagawin ko ng libre.

“Gano'n kalaki ang utang na loob ko sa kanya,” pahayag ni Super Tekla nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) sa GMA Network Center noong January 14.

Thankful naman si Tekla sa nangyari sa kanila ni Willie noon dahil nauwi iyon sa pagkakaroon niya ng kontrata sa GMA Artist Center at nakalabas siya sa iba’t ibang shows, kabilang na ang magkaroon sila ni Boobay ng sarili nilang show.

Continue reading below ↓

BLESSING IN DISGUISE

Nagsimula ang TBATS sa GMA Online Exclusives at milyon ang nakukuha nitong views every week.

Kaya naman naisipan nang bigyan sila ng timeslot sa GMA-7 tuwing Sunday after Kapuso Mo, Jessica Soho starting January 27.

“Ready na akong bumalik sa Cotabato noon.

“Babalik na ako sa bundok ulit kasi sobra akong na-depress noong mawala ako sa Wowowin.

“Pakiramdam ko, wala na akong pag-asa sa Maynila.

“Yung naging failure ako. Hiyang-hiya ako para sa sarili ko at para sa pamilya ko na umaasa sa akin.

“Pero siguro nga, blessing in disguise iyon.

“Nadinig ng Diyos ang panalangin ko. Bigla akong tinawagan ng mga taga-GMA-7 at gusto raw nila akong kuning talent.

“Doon na nagsimula ang lahat. Naisipan na nilang gawin ang show na ito with Boobay.

“Kaya si Boobay ang pinartner sa akin, kasi si Donita Nose nasa Wowowin pa that time.

“Sinubukan nila ako na i-pair kay Boobay at nag-click kaming dalawa.

Continue reading below ↓

“Ngayong nasa GMA-7 na ang show namin, sobra ang pasasalamat ko sa mga bossing namin dahil sa tiwala na binigay nila sa amin ni Boobay.

“Nakakakaba lang dahil sa timeslot na binigay sa amin, pero gagawin naming masaya ito para sa maraming nag-aabang sa amin noon pa sa YouTube,” ngiti pa ni Super Tekla.

COMPETING WITH GGV

Dahil katapat nila ang Gandang Gabi Vice, hindi na lang daw nila iisipin ni Boobay ang competition.

“Para walang stress sa amin ni Boobay, mag-enjoy lang kami.

“May mga tao na ikukumpara talaga kami sa show ni Vice Ganda, pero hindi namin gagawing basehan iyon ni Boobay.

“Magpapasaya lang kami every Sunday night.

“Kung ano yung kinatuwaan nila sa amin noong online show pa lang kami, dodoblehin namin para mas masaya at mas maaliw ang audience sa amin.

“Kaya thank you Lord sa pagkakataong ito at hindi kami magpapabaya ni Boobay,” pagtatapos pa ni Super Tekla.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Comedian Super Tekla (right, shown with onscreen partner Boobay) remains grateful to Willie Revillame: "Kung hindi dahil kay Kuya Wils, walang Super Tekla na mapapanood sa telebisyon ngayon. Utang ko sa kanya kung nasaan ako ngayon."</p>
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results