Sylvia Sanchez excited about new travel-cooking show on YouTube

Sylvia Sanchez will work with JM de Guzman and Joey Marquez for the upcoming teleserye Project Kapalaran.
by Melba R. Llanera
Jan 25, 2019
<p>Sylvia Sanchez will work with JM de Guzman and Joey Marquez for the upcoming ABS-CBN teleserye titled <em>Project Kapalaran. </em></p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Matapos ang mga matagumpay na kanyang teleserye gaya ng The Greatest Love at Hanggang Saan, excited si Sylvia Sanchez sa bagong series na sisimulan niyang gawin sa ABS-CBN.

Makakasama niya sa naturang proyekto sina JM de Guzman at Joey Marquez. Ayon sa aktres, masaya siya sa bagong trabaho na pinagkatiwala sa kanya ngayon ng Kapamilya Network.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sylvia sa bahay nito noong nakaraang January 16.

"Project Kapalaran with JM de Guzman, soon mag-uumpisa na kami," kuwento ni Sylvia. "Excited ako kasi first time ko to work with JM and magaling si JM.

"Nasa listahan ko siya na bagets, batang aktor na excited akong makatrabaho. Iba pag pinapanood mo lang, iba pag katrabaho mo, pag ka-eksena mo."

Dagdag pa ng aktres, "Balik-tambalan din kami ng aking love team, original love team talaga. It's Joey Marquez, nung nag-umpisa kasi ako mag-showbiz, si Joey na ang ka-partner ko lagi. Sa movie, sexy-comedy, kaming dalawa. Na-excite ako dahil alam kong di ako mahihirapan."

Pagbabahagi sa amin ng Kapamilya actress, ang sisimulang teleserye ay family drama na may halo ding comedy, isang genre na matagal na pala niyang gustong subukan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Family drama pero may mga situational comedy. Masaya ako kasi kung may kakapitan ako, si Joey yun, ang magdadala when it comes to comedy. Magaling yun sa comedy pati sa drama, so excited ako.

"Di nila alam mas gusto ko comedy. Actually ang pagkakaiba lang naman talaga is may pagka-comedy, kasi puro straight drama ako. Yung role pareho din kasi yung mga anak nagsasakripisyo. But this time parang kakaiba kasi walo ang mga anak ko, biruan nga namin ni Joey, 'Ang hilig natin, ah.'

Patuloy ni Sylvia, "Pangarap ko naman talaga [maging] komedyante.

"Di ko pangarap, pero gusto ko mag-komedyante kaso di ako pinagkatiwalaan kasi napunta ako sa kontrabida, sa drama. Parang lahat nga ngayon, 'Ay magko-comedy si Sylvia, puwede ba?'"

SYLVIAHERA

Bukod sa uumpisahang serye, mapapanood din si Sylvia sa YouTube cooking-travel vlog series na Slyviahera.

"Yeah it's Sylviahera, it's a cooking-travel show," aniya. "This is not the usual cooking show na may kitchen ka, magtuturo ka talaga. Hindi, e, ayoko kasi ng cooking show, marami na sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang dami na nila diyan, sa foreign mayroon, mayroon din sa atin. Gusto ko lang maiba na magluluto pero lulutuin ko lang ang alam ko, ituturo ko ang alam ko. Pero yung magtuturo talaga as a chef, hindi.

"Di naman ako nag-chef talaga although naka-graduate ako ng Culinary, may naiintindihan ako pero di ko prinactice. Nag-aral lang talaga ako para mas matuto pang magluto."

Kuwento pa ni Sylvia, "May dala-dala akong sarilng trolley na pag nakita mo akala mo bag, it's one burner [stove] ko na kitchen.

"Kung saan-saan ako nagluluto, dagat, kung saan lang abutan. Probi-probinsya, inuna lang sa Mindanao, sa hometown ko. 'Tapos bumalik kami sa Manila which is Smokey Manaloto ang guest ko 'tapos babalik ako ng iba't-ibang lugar, nakaplano na kung saan-saan.

"Hopefully pag naayos, pag na-okay yung show ko, pag may mga nakagusto, punta kami abroad."

Halatang excited si Sylvia para sa kanyang vlog series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi pa niya, "Alam mo yung ituturo ko, ang recipe ko na alam ko, 'tapos darating kami sa point na kung ano ba lang. Ibig sabihin ang mga guests namin di mga artista, ordinaryong tao, mga pangaraw-araw, kung paano natatawid ang buhay nila sa pagluluto nila. Ano yung niluluto nila para sa pamilya nila.

"In short, ito yung mga recipe na may mga kuwento ng buhay. Di lang siya yung basta natutuhan mo lang, kakabit ito sa buhay mo. Ito yung mga recipes na may mga kuwento.

Yung mga niluto ko dun, ito ang mga pagkain na kinalakihan ko, e. Kasi, di ba probinsya, di ba, mayroong low tide and high tide?

"Pag low tide kukuha lang kami ng pagkain sa tabing-dagat. Pag walang makain, kukuha lang kami, lulutuin namin.

"May kuwento, it's a travel-cooking show na may kuwento. Excited ako na mas tumagal ito kasi ang ganda ng plano, ang ganda ng concept. Gusto kong matuto sa mga ordinaryong tao ng alam nilang recipes. Marami pa akong gustong matutunan, mga simpleng recipes."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Sylvia Sanchez will work with JM de Guzman and Joey Marquez for the upcoming ABS-CBN teleserye titled <em>Project Kapalaran. </em></p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results