Boobay on TBATS being pitted against Vice Ganda's GGV: "Kinakabahan kami."

Boobay on new show TBATS: "Sana maitawid namin. Ano lang talaga maging optimistic sa bagay na yun."
by Arniel C. Serato
Jan 27, 2019
<p>Boobay: "Siyempre kaba, pero sabi ko kaya ibinigay to kasi may tiwala [ang GMA] na meron kaming puwedeng i-offer sa mga manunood, kaya ang ano sa amin ngayon...ang responsibility namin ay gawin kung ano ang dapat naming ibigay sa mga manunood."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

“Kinakabahan kami,” ang pag-amin ni Boobay sa pag-ere na pilot episode ng TV show nila ni Super Tekla na The Boobay And Tekla Show (TBATS).

Ngayong Linggo, January 27, na ang airing ng GMA-7 show nila na direktang makakatapat sa ABS-CBN show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV).

Kuwento ni Boobay, “Siyempre kaba, pero sabi ko kaya ibinigay to kasi may tiwala [ang GMA] na meron kaming puwedeng i-offer sa mga manunood.

"Kaya ang ano sa amin ngayon...ang responsibility namin ay gawin kung ano ang dapat naming ibigay sa mga manunood.”

Sampung taon na sa ere ang palabas ni Vice Ganda at may captive audience na ito kaya naman maituturing na mabigat na katapat ang kanyang palabas.

Pero para kay Boobay, hindi na nila ito iniisip.

Sabi pa ng komedyante at TV host, “Yun ang tinatanggal nila sa amin, ‘Don’t think about that. Na mayroong… magkaroon ng tapatan. Ang gawin niyo, gawin niyo lang kung ano yung purpose kung bakit namin kayo kinuha diyan.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Kinuha kami para gawin yung pinagkaloob sa amin [na talent], yun nga yung mag-entertain ng kapwa namin.

“Do away from pag-iisip na ganun kasi kapag mag-iisip ng ganun sa katapat namin, the more na maapektuhan kami.

“Sana maitawid namin. Ano lang talaga maging optimistic sa bagay na yun.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boobay sa grand presscon ng show noong January 14 sa GMA Network Building, Timog Avenue, Quezon City.

IMAGE Noel Orsal
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Boobay: "Siyempre kaba, pero sabi ko kaya ibinigay to kasi may tiwala [ang GMA] na meron kaming puwedeng i-offer sa mga manunood, kaya ang ano sa amin ngayon...ang responsibility namin ay gawin kung ano ang dapat naming ibigay sa mga manunood."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results