Maine Mendoza among winners of Sunday Pinasaya Awards


Nagpamigay ng parangal ang Sunday noontime comedy-musical program na Sunday PinaSaya bilang pagkilala sa mga ‘di malilimutang musical performances at mga comic segments ng show sa apat na taon nila sa GMA-7.

Pinarangalan ang mga nilikha ng show na characters, impersonators at pati na ang mga inaabangan na segments tulad ng “Cynthia’s School of Overacting”, “Adventures of Boobsie and Chuchay”, “Kantaserye”, “Kantaririt”, “Madramarama”, “Bilibid Or Not”, “Pinoy Super Mole”, “Boys Room”, “Girls Room”, “Mga Kuwento ni Lola Basher”, “The Resbakers” at marami pang iba.

Nagkaroon din ng online poll voting for the fans para sa separate award na kung tawagin ay Like Kita Award.

Winner for Best Character si Wally Bayola as Coach Cynthia. Like Kita Award goes to Ryzza Mae Dizon as Ma Es.

Wagi bilang Best Comedy Ensemble ang Bilibid Or Not. Nag-tie naman ang Bilibid Or Not at Girl’s Room sa Like Kita Award.

Para sa Best Comedy Tandem, nag-tie ang tandem nina Gladys Guevara at Boobsie Wonderland para sa Adventures of Boobsie & Chuchay at Jose Manalo and Wally Bayola for Dos Lolos. Like Kita Award naman ay napanalunan ng DJ Bae & Papa Pete: DJ Baelatasan Edition nina Alden Richards at Jerald Napoles.

Best Impersonator si Jose Manalo as President Rodney “Dugong” Juterte. Like Kita Award ay si Barbie Forteza bilang Kissy Anino.

Best Musical Number award ay ginawad sa BiGuel loveteam nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali para sa “A Love Story Dance Montage”. Si Alden naman ang nakakuha ng Like Kita Award para sa  “Laser”.

Best Comedy Support si Barbie para sa character niyang si Jackylin. Siya rin ang nakakuha ng Like Kita Award.

Best Breakout in Comedy ay napanalunan ni Miguel Tanfelix at nakuha din niya ang Like Kita Award.

Best Standout Performance of a New Comedian Cast ay nag-tie sina Lovely Abella at Boobsie Wonderland. Si Lovely naman ang panalo sa Like Kita Award.

Best Comedy Performance by a Guest naman si Maine Mendoza at nakuha niya rin ang Like Kita Award. Natalo ni Maine ang Kapuso stars na sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Carla Abellana, Matt Evans, Super Tekla para sa category na ito. 

Winners naman sa Sun of the Day or Best Dressed Award si Alden Richards at tie sina Marian Rivera at Ai-Ai delas Alas.

Mga naging presenters ng awards ay sina Jennylyn Mercado, Arnell Ignacio, Ken Chan, Rita Daniella, Diana Zubiri, James Blanco, Kate Valdez, Klea Pineda, Inah de Belen, Jake Vargas, Jeric Gonzales, Therese Malvar, Jak Roberto, Nar Cabico, Wency Cornejo, Tutti Caringal, Teri Onor, Boobay, at Gladys Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

Maraming salamat kasaya! And congrats to all winners! See you next sunday! #SundayPinasayaAwards

A post shared by Sunday Pinasaya (@gmasundaypinasaya) on


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN