Kyline Alcantara talks about having former ABS-CBN actor as her leading man

IMAGE Noel Orsal

Kyline Alcantara talks about her working experience with Manolo Pedrosa for the GMA-7 teleserye Inagaw na Bituin. 



Natutuwa si Kyline Alcantara na si Manolo Pedrosa ang napiling leading man niya para sa upcoming kantaserye ng GMA-7 na Inagaw Na Bituin.

May ilang beses na nagpa-audition ang Kapuso Network para sa lalaking babagay sa kanya. Finally, ang former Pinoy Big Brother housemate na kalilipat lang sa Kapuso network ang naging mapalad na napili.

Nang dalawin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan ang set ng Inagaw Na Bituin sa location nito sa UP Bliss, Quezon City, kinamusta namin ang working relationship nilang dalawa.

Pahayag ni Kyline, “Actually, sobrang masaya po na nagkaroon ako ng support na leading man. Si Manolo nga po yun, and pareho kaming bago dito sa GMA.

“Hayun, parang parehas kaming newbies, kumbaga.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataong nagkatrabaho ang dalawa, dahil minsan na silang nagsama sa Daig Kayo ng Lola Ko sa parehong network.

Saad ng 16-year-old Kapuso actress, “Yes, sa Daig po, nagka-work na kami.

“Dun po kasi, light-light lang yung approach nung pag-arte namin.

“Dito [sa Inagaw na Bituin], kailangan ibahin ang atake, para walang masabi ang mga tao.

“Kanina, hindi ko talaga naiiwasang mahawa ako dun sa ka-eksena ko. Bulol siya, so nabubulol na rin ako.

“Tapos, sinabi ko sa kanya na nahahawaan niya ako sa pagkabulol.”

Kumusta naman si Manolo bilang leading man?

Ayon sa aktres na tinaguriang La Nueva Kontrabida, “Hayun, okay naman po siyang kasama, positive face, laging naka-smile.

“Hayun, masaya siyang kasama.”

On her part, satisfied ba siyang si Manolo ang leading man niya sa pangalawang serye niya sa Kapuso Network?

Diretsahang pag-amin ni Kyline, “Oo naman po, oo naman.

“Kahit sino naman po, I could work with anyone. Okay naman po.

“Si Manolo po, bilang ka-partner, wala pa naman akong...kasi kasisimula pa lamang din niya sa taping, kaya wala pa akong gaanong masasabi tungkol sa kanya.

“Yun, light lang siyang katrabaho, cool lang, and nagda-diet po kasi siya, so, malay niyo po, maimpluwensiyahan niya ako.

“Hindi pala diet ang tawag niya dun, lifestyle.”

Sa ibang panayam, nabanggit ni Manolo ang pagiging madalas niya ngayon sa gym para mag-work out.

Kamusta naman sila sa set lalo na nga’t pangalawang malaking project nga niya ito?

Lahad niya, “Well ako po talaga, ngayon pa lang ako nagkakaroon ng maraming eksena.

“For the past taping days, unti-unti lang ang eksena ko, so I don’t the time to bond with the staff and crew.

“Ngayon po, mas nakikilala ko na po sila, mas nakakabiruan ko na.

“So hayun, medyo mas nagli-level up na po, mas nagbu-bloom na yung samahan.”

Aminado si Kyline na mas mataas nga ang expectations sa kanya ng mga tao ngayon matapos pag-usapan ang galing niya sa pag-arte noon sa Kambal, Karibal.

Ano ang nararamdaman niya?

Tugon ng award-winning teen actress, “Opo, I feel so pressured right now.

“Well, hindi ko po iniisip na ganun kalaking pressure yung ipinapasan sa akin, kasi ginagawa ko lang po kung ano gusto ko.

“So, sana po magustuhan ng mga tao.”



Stories We Are Tracking

Manolo passes audition to become Kyline's leading man
Manolo passes audition to become Kyline's leading man
Kyline Alcantara: no competition with co-star Therese Malvar
Kyline Alcantara: no competition with co-star Therese Malvar



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN