Enchong Dee gets warm welcome in Eat Bulaga!


Nag-trending sa social media ang paglabas sa unang pagkakataon ng ABS-CBN actor na si Enchong Dee sa noontime show ng GMA-7 at TAPE Inc. na Eat Bulaga.

Exclusive talent ng ABS-CBN si Enchong at rival show ng Eat Bulaga ang It’s Showtime ng Kapamilya network.

Nag-guest si Enchong sa Eat Bulaga dahil sa promotion ng pelikula nila ni Janine Gutierrez na Elise. Si Janine ay exclusive talent ng GMA.

Kasama rin nina Enchong at Janine sa Eat Bulaga si Jackie Lou Blanco.

Napansin ng maraming netizens na hindi nawawala ang ngiti sa mukha ni Enchong nang tawagin na siya para maglaro sa game segment na "Boom."

Malakas din ang palakpakan ng audience sa studio nang tawagin si Enchong.

Biniro pa ng Dabarkad na si Vic Sotto si Enchong nang sabihin niya: “Uy! Parang pamilyar ang mukha mo sa akin. Kilala kita!”

Bukod kay Bossing Vic, kasama rin sa segment sina Alden Richards a.k.a. Boom Pawis at Paolo Ballesteros as Maruya Keri.

Si Jackie Lou ang unang sumalang sa Bomb #1 na ang pinagpilian niya ay mga letters na may kinalaman sa blood type ng tao. Tama ang mga sagot ni Jackie kaya napanalunan nito ang PHP 50,000.

Si Enchong ang sumalang sa Bomb #2 at ang tanong sa ay tungkol sa tao na si Melandro Muli, ang 61-year-old resident ng Tondo, Manila.

Pinakausap kay Enchong ang anim na tao na ang mga pangalan ay Melanor, Melissa, Melana, Melaiza, Mel at Mezar. Inalam ni Enchong ang mga edad nila at kung sino ang tatay nila? Lahat sila ay nag-claim na anak sila ni Melandro Muli.

Si Melandro ay may 17 na anak sa siyam na babae.

Ang tanong kay Enchong ay sinu-sino ang mga panganay na anak ni Melandro Muli?

Tama ang napiling apat na sagot ni Enchong kaya napanalunan nito ang PHP 100,000.

Sa Bomb #3 naman sumalang si Janine Gutierrez at tungkol naman sa mga documents ang tanong sa kanya. Alin sa mga Philippine documents ang hindi forever o mga nage-expire at kailangan i-renew?

Dalawang sagot lang ang tama ni Janine at nasabugan siya ng bomb sa ikatlong sagot niya na mali.

Sa kanyang Twitter at Instagram accounts ay nagpasalamat si Enchong sa mainit na pag-welcome sa kanya bilang guest sa Eat Bulaga.

Ang post niya sa Twitter: “Maraming salamat sa masayang experience
@EatBulaga at salamat sa mga nanuod na dabarkads."

Post naman ni Enchong sa Instagram: “Maraming Salamat sa @EatBulaga sa masayang sabado at sa lahat ng dabarkads na nakisaya Sana makanuod po kayo ng pelikula namin ni @janinegutierrez jackielou.blanco sa February 6…"

Heto ang ilang reaction ng netizens sa paglabas ni Enchong sa Eat Bulaga:

@Acesmendoza Eat bulaga boom second constentant:enchong dee good job for him and they already 100000 pesos for them


@candidandhonest Love how #EnchongDee 's flair in keeping good relations with all. He doesn't polarize and has a wide view of the world and entertainment biz. 


@KerwinRegis Enchong Dee’s guesting on Eat Bulaga is one of the trending topics in Twitter Philippines @enchongdee777 @EatBulaga


@jakearagon_ It’s refreshing to see Enchong Dee, Janine and Alden on Eat Bulaga! @enchongdee777 @janinegutierrez @EatBulaga @aldenrichards02


@dryedmangoez Enchong Dee on #EatBulaga! Parang bagay sa GMA I want to watch #Elise. He and Janine seem like a great pairing. Would be great to see them in a series.


@ultimateunice My sisters who are Enchong Dee fans, are shookt that he's in Eat Bulaga.


@recydeelulab He BOOM it . Enchong Dee at Eat Bulaga #EliseMovie in cinemas coming soon #beforework #myernest #enchongdee @enchongdee777


@seckzi_10 Enchong Dee that’s how kapuso welcomes a kapamilya guesting through @EatBulaga BOOM
@enchongdee777


@AnsherineM Welcome Enchong Dee, happy to see you @EatBulaga , sana may kasunod pa


@madrigalangelin Yung Tita mo supportive sayo sa  idol mo at crush mo.. Update din sya.. Kinikilig akoooo sobra. Galing mo talaga @enchongdee777  @EatBulaga #EnchongDee


@itsxtiancapuyan So refreshing to see Enchong Dee in GMA 7’s Eat Bulaga. @enchongdee777



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN