Michael V pursues Kim Domingo in Bubble Gang musical play in Cebu

by Rey Pumaloy
Feb 9, 2019
<p><em>Bubble Gang</em> cast members will stage <em>Parokya Na 'To: A Laugh Story</em> in Cebu on February 15, 2019. In this musical play, Michael V. (in photo) will show his love for the character played by Kim Domingo. </p>
PHOTO/S: Noel Orsal


Sa ikalawang pagkakataon, gagawin uli ng Bubble Gang ang pagtatanghal ng kanilang 22nd anniversary live musical play na unang ipinalabas noong 2017 sa GMA-7.

Ang kaibahan nito ay gagawin ito nang live at hindi ipapalabas sa telebisyon. Tampok sa musical play na ito ang mga kanta mula sa banda na Parokya Ni Edgar.

Titled Parokya Na 'To: A Laugh Story, ang musical play na ito ay gagawin sa Waterfront Hotel and Casino, Lahug City, sa February 15.

Ang karakter na si Buloy (Michael V.) ay na in love sa aktres na si Birdie Aguila (Kim Domingo). Dadaan sa mga pagsubok si Buloy upang maging leading man ni Birdie on- at off-screen.

Ito ang unang pagkakataon na gagawin ng Bubble Gang cast members, sa pangunguna ni Michael V., ang isang live musical performance sa labas ng studio.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Michael noong February 4 sa Studio 6 ng GMA Network, ipinaliwanag ng comedian-writer ang dahilan kung bakit higit sa isang taon ang lumipas bago nangyari ang inaasahang staging ng musical play.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simulang pahayag ni Michael, “Kasi ang problema, yung cast hindi ma-assemble nang buo dahil may kanya-kanyang trabaho ang bawat isa. May kanya-kanyang soap. May kanya-kanyang ibang show.

“Ako in particular, yung schedule ko medyo hectic hindi rin mahanapan kaagad nang re-staging. Pero I believe it’s okay naman dahil maganda yung na-miss ng mga tao, may sabik factor.

“Yung ginawa sa 22nd anniversary yun mismo [ang dadalhin sa Cebu]. Nagkaroon lang konti ng re-shuffling ng cast dahil sa availability pa rin.

“Si Andrea Torres, wala siya sa original. Si Jackie Rice wala. Pero may ipapalit naman kami, kaya re-shuffling.”

Bukod kay Michael, ang Bubble Gang ay binubuo nina Kim Domingo, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Antonio Aquitania, Paolo Contis, Jackie Rice, Denise Barbacena, Lovely Abella, Sef Cadayona, Betong Sumaya, Mikael Daez, Archie Alemana, Mikoy Morales, Analyn Barro, James Macasero, Roadfill Obeso, Myka Flores, at Diego Lorrico.

Ang Bubble Gang ay itinuturing na longest running gag show sa Philippine television.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil hindi lahat ng cast members ay magtatanghal sa Cebu, may ibang ipapalit sa play.

Ayon kay Michael, “Yung mga locals [ng Cebu], nasa background sila. Sila yung magiging parang choir. Kasi originally, pati yung mga background characters namin, cast din ng Bubble. Dahil hindi mo madadala lahat, kailangan mo nang pampakapal.

“So, aside from the background cast na kukunin namin dito na taga-teatro, kukuha rin kami ng taga-Cebu.”

Wala bang babawasan na scenes?

“Wala. Intact yung mga scenes,” siguradong sabi ni Michael.

Sasalang muna sa mga rehearsals ang mga participants sa Cebu show, ayon pa rin kay Michael.

“Oo, pati kami. Yung main cast,” aniya.

“Kasi siyempre, it’s been a year kailangan naming ma-develop uli yung discipline.”

Bukas ba sila para sa international staging ng show? Dadalhin ba ang lahat ng cast members? May babaguhin ba sa script kung sakaling ilan lang ang puwedeng sumama sa trip?

Mabilis na sumagot si Michael, “Hindi, e, dapat hindi magalaw yung script. The script as far as I know, will still remain the same. Pero tama ka, mahal talaga to bring in the entire cast. Pero why not kung may budget? Kung may producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero some of them kung may cast na doon for the small roles they will learn na, but, of course, you have to keep them in.

“Napagusapan rin namin ang language barrier. Baka sa ibang lugar, iibahin natin like, Pakistan. Kailangang...Parokya Ukraine,” nagbibirong dugtong ni Michael.

Ang stage director na si Rem Zamora ang magdidirehe ng play, si Vince De Jesus naman sa musical direction at playwright, samantalang si Myke Salomon sa musical arrangement at si Dan Cabrera naman sa choreography.




Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p><em>Bubble Gang</em> cast members will stage <em>Parokya Na 'To: A Laugh Story</em> in Cebu on February 15, 2019. In this musical play, Michael V. (in photo) will show his love for the character played by Kim Domingo. </p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results