Mika dela Cruz on Kara Mia being pitted against Ang Probinsyano: "May laban!"

IMAGE Noel Orsal

Mika dela Cruz (left) reveals what pressures her the most about top-billing GMA-7's new prime-time series Kara Mia. Her show with Barbie Forteza (right) is pitted against ABS-CBN's Ang Probinsyano. 



Dumating na pala sa punto ng pagiging Kapuso niya si Mika dela Cruz na hindi na raw siya umaasa pa na magiging lead o bida sa isang teleserye.

Hindi raw inaasahan ni Mika nang dumating sa kanya ang GMA-7 prime-time series na Kara Mia kunsaan gaganap siya bilang isa sa mga bida kasama si Barbie Forteza.

“Wala na, e, hindi ko nga in-expect siya,” sabi niya.

“Totoo po yun, wala na sa akin kung anong role ang ibibigay sa akin. Nandoon na ako sa point na, work is work, pero unexpectedly, nabigyan ako ng napakagandang proyekto.

“Nagulat ako and thankful po akong talaga, masaya.”

Bida-kontrabida ba siya rito?

“Opo, yun ang pinakatamang salita, para sa akin yun ang pinaka-magandang role, yun ang pinaka-gamay ko and ang pinaka-challenging. Makulay siya para sa akin and sana, lumabas ang pagiging makulay sa screen, sana umepek siya.

“Excited po ako,” lahad niya.

Walang-duda na nakahanap ang GMA-7 sa katauhan nila ni Barbie ng puwedeng pagtapatin bilang magkaribal, magkapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko nga, parang Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz,” natawang pagsang-ayon ni Mika.

“Yun ang pakiramdam ko na papunta kami.”

Sabi pa niya, “E, di ba po, palaging may dalawang magkasama.”

Off-cam, okay silang dalawa, walang rivalry?

“Wala, sobrang okay kami ni Barb, para na nga kaming magkapatid, walang problema,” pagbibigay-diin niya.

Lumalabas din daw silang lima...siya at ang boyfriend na si Nash Aguas pati na rin si Barbie at Jak Roberto. Pang-lima si Paul Salas na nakiki-fifthwheeling raw sa kanilang apat.

“Opo! Si Paul? Kaibigan namin ‘yan. At tropa kaming lahat. Magkakaibigan kaming lahat. Matagal na kaming magkakakilala kahit na magkakaiba kami ng network, di ba?

“Kahit dati pa man, okay kaming lahat.”

Aminado si Mika na alam niyang mataas ang expectation sa bago nilang prime-time series. Unang pinanggalingan nito ay ang pagba-viral nila sa social media kahit hindi pa sila umeere.

Ngayong araw, February 18, ang telecast ng pilot episode ng Kara Mia, pagkatapos ng 24 Oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po kami kinakabahan,” saad niya.

“Alam naman namin na kung ano man yung...well, kaya nga nila naha-hype dahil nakita nila. Kumbaga, hindi sila mabibigo. Hindi sila mami-mislead. Sinasabi ko po ‘yan.

“Kung ano ang nakita nila na feeling nila makukuha nila, kapag pinanood nila, yun at yun, sobra-sobra pa ang makukuha nila.”

Dugtong pa niya, “Kahit kami, ang daming puwedeng gawin. Hindi namin alam, paano, ano ang maipapakita. Ang daming twists ng kuwento.”

Isang diretsahang tanong: ang Kara Mia o sila na nga ba ni Barbie Forteza ang posibleng makatapat o makatalo sa katapat nilang ABS-CBN primetime series, ang FPJ’s Ang Probinsyano?

“Ayoko pong sabihin na tatalo dahil hindi naman po yun ang goal natin. Hindi naman po ang tumalo ng ibang proyekto, hindi naman po. Hindi naman po ganun yun.

“Feeling ko, ito ang teleserye na tatatak, magkakaroon ng kurot sa puso sa mga manonood. Maiiyak sila, matatawa sila, mamamangha sila kasi...speechless ako, hindi ko alam ang sasabihin ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May laban ba sila?

“May laban!” tahasan niyang sabi.

Sabi pa ni Mika, “Actually, kahit hindi na nga po kami. Kahit hindi na kami ni Barbie, yung kuwentong ito, nasa kuwento po kahit kanino mo ibigay. Lalabas at lalabas ang ganda ng kuwento.”

Wala ba silang kaba o pressure?

“Pressure lang,” pag-amin niya.

“Actually, yung pressure hindi sa ibang tao. Kundi paano mo ita-tap yung performance mo sa huling show mo. Paano mo iibahin at gagawing kakaiba.

“Doon ang pressure, e, hindi sa kung paano namin matatalo ang kalaban.”

Kung si Mika, unang lead role niya bilang Kapuso ang Kara Mia, si Paul Salas naman na kapareha niya rito ay unang proyekto ito bilang isang Kapuso.

Sa parte ni Paul, siya pa rin ang huling kapareha nito sa huling niyang teleserye sa ABS-CBN, ang You’re My Home.

Tinanong namin si Mika kung ano ang napansin niyang kaibahan sa kanila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kami ni Paul? Mas matanda na po kami,” natawang biro lang daw niya.

“Actually, mas vocal, mas open na si Paul ngayon bilang kaibigan. Dati kasi, mahiyain siya. Ngayon, mas nag-o-open-up na siya sa aming lahat. Mas nakikilala namin siya.

“Kahit ako, ang tagal ko na siyang kilala ha.”

Magkakaibigan na sila nina Paul at Nash noong nasa Kapamilya network pa lang sila. Pero bilang si Paul ang inila-loveteam sa kanya at sa totoong buhay, si Nash ang totoong boyfriend niya, hindi ba niya nararamdaman na baka naiilang si Paul?

“Hindi po,” natawang sabi niya.

“Ang show namin dati magkaka-love triangle kami. Kami rin ang magkaka-trabaho dati. So, alam po ni Paul yun. Alam niya ang mga pinagdaanan. Alam niya ang mga naging proseso, so masaya siya para sa amin.

“Alam naman niya ang lugar niya.”

May balitang naunahan lang daw ni Nash at si Nash nga ang sinagot niya. Nanligaw ba sa kanya si Paul dati?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po, never, never po,” tanggi ni Mika.

“Si Paul and me, magkaibigan po kami ever since. Pero never siyang nanligaw sa akin dahil alam din naman niya na magkaibigan lang talaga kami at tatawanan ko lang din siya.”

Kung walang Nash Aguas, may posibilidad kaya na bilang love team, mauwi sa totohanan?

“Hindi po... kasi, iba yung...ewan ko, kami talaga ni Paul ever since, magkaibigan.”

Ang JakBie ay totoong love team hindi lang sa harapan ng camera. Paano nila makukumbinse ang mga manonood na kiligin din sa kanila ni Paul kahit alam ng mga ito na may real-life boyfriend siya?

“Hindi naman po kailangan ngayon sa totoong buhay para kiligin ang mga tao. Nasa character po ‘yan. Hindi naman na kami as Mika and Paul, e.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close