Arron Villaflor on doing daring scenes like those in Glorious: "Alam kong ready na ako sa ganyang roles."

Arron Villaflor is working on a digital series titled Sex and Coffee.


Tulad ng ibang mga aktor na sumubok na sa pagpapa-sexy, bukas si Arron Villaflor na gumanap sa mga ganitong klase ng mga roles.

Bilib si Arron sa pelikulang Glorious na pinagbidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

Sa interview namin kay Arron sa pictorial ng Prestige International beauty brand kamakailan sa Cornerstone Studio, aminado si Arron na gustong-gusto niya na gumawa ng pelikula na mala-Glorious ang tema.

"When I heard about Glorious under Dreamscape, sabi ko, 'Sana bigyan din ako ng ganung project, sana I can go way beyond kasi 28 na ako.' Alam kong ready na ako sa ganyang roles.

"Ang ganda kasi ng eksena, sabi ko, alam mo yung very sexy na romantic na ibang level ang pinakita nila. Di naman kasing masagwa na lumabas sa TV. I guess di naman nila pababayaan yung shots. Iba yung level ng intensity dun sa bed scene."

Di rin tinago ni Arron na matagal na pala siyang may paghanga kay Angel Aquino. Nagkasama sila bilang mag-ina sa 2011 ABS-CBN series na Maria la del Barrio. Pinagbidahan ito ni Erich Gonzales. 

Ani Arron, "Alam na ng mga tao 'yan, grabe. She has this very, very unique personality, she's very professional to work with nung Maria la del Barrio kay Erich. Mother ang role niya [Angel] dun. Nanay ko siya, di ko pa rin nagawang itago na may crush ako sa kanya.

"Love scene? Oo naman ang tagal na nun. Six years ago na yun so kung bibigyan kami ng chance para magtrabaho, iga-grab ko talaga."

Isang mature and daring show sa IWant TV ang gagagawin ni Arron, ang Sex and Coffee. Hindi pa alam ng Kapamilya actor kung sino ang ibang cast members na makakasama niya dito.

"Sex And Coffee yung working title. Di ko pa alam kung sino mga cast. Nung in-offer sa akin sabi ko, 'Okay ako diyan.'

"Tagal na nung huling serye kaya sabi ko, 'Tara, trabaho na tayo.' Gusto ko nang magtrabaho, gusto ko ng makita ang sarili ko sa TV."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, makakasama rin ni Arron si Jodi Sta. Maria sa ibang proyekto.

"May horror film na ginagawa kasama ko si Ms. Jodi Sta. Maria. Malalim yung kuwento dahil nangyari ito sa sinbahan. It's about a person who's undergoing possession. Exorcism ang peg niya. Medyo critical ang mga eksena namin, mabigat ang ibang mga eksena namin. Yung mga nakunan namin sobrang bibigat, thankful ako na nakunan na. We are just waiting for Ms. Jodi na lang.

"Ako ay isang pari dito, ako ang makakaalam ng solusyon, maghi-heal, at mao-overcome yung exorcism."

Ang kasama ni Arron bilang endorser ng Prestige ay ang transgender woman na si Iyah Mina. Silang dalawa ay gumanap na magkasintahan sa 2018 Cinema One Originals entry na Mamu And A Mother, Too.

Pagkukuwento ni Arron, nakita daw kasi ng may-ari ng Prestige na si Mr. Mannix Carancho ang chemistry nila ni Iyah.

"Napansin kasi nila yung trabaho namin sa Mamu And A Mother, Too. I guess si Sir Mannix [thought], 'Why not put them together in one endorsement?' So ginawa kaming dalawa, pinagsama kami. Parang magka-love team kami dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay single si Arron. Kinamusta namin sa aktor kung may komunikasyon pa ba sila ng ex-girlfriend na si Yen Santos na maganda na ang tinatakbo ng career sa ngayon.

"Wala, single ako ngayon. Siguro it didn't work talaga. Sabi nga nila di agad-agad na ibibigay lahat ni God sa iyo. Ipapa-realize Niya sa iyo na isa-isa lang for you to learn things.

"Happy ako para kay Yen kasi ang tagal din niyang nag-antay at ngayon dumating yung opportunity para sa kanya.

"Good friends kami. May closure kami ni Yen. Mutual naman yung break up namin, wala kaming one year, siguro mga eight months. May mga bagay lang siya na dapat i-prioritize muna: yung family niya, sarili niya. Somehow naman nagbunga ang lahat."





COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close