Si Dion Ignacio ay isa sa mga Avengers ng unang season ng StarStruck noong 2003.
Ultimate Survivors sa batch nila sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.
First Princess at Prince naman sina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.
Ang ilan sa kapwa Avengers ni Dion ay sina Katrina Halili, Cristine Reyes, Nadine Samonte, at Sheena Halili.
Ngayong 2019 ay muling ibabalik ng GMA-7 sa telebisyon ang phenomenal artista search.
IMPORTANCE OF PUNCTUALITY
Dahil dito ay tinanong namin si Dion kung may maipapayo siya sa mga sasali at makakapasok bilang contestant sa StarStruck.
“Ang maipapayo ko sa kanila, gawin lang nila yung best nila.
“Gawin nila yung mga challenges. At tsaka yung time, kasi importante yun, e!
“Dapat on time ka, kung ano yung calltime sa ‘yo. Kasi big deal sa showbiz yun e,” diin niya.
Hindi raw dapat nagpapa-late sa showbiz commitments ang isang artista, baguhan man o datihan na.
Noon daw ay may mga pagkakataong nale-late si Dion.
Lahad niya, “Kaya ayun, napapagalitan.
“Kaya naging lesson ko yun.
“So iyon, time, tsaka bigyan talaga ng effort yung lahat ng mga challenges na ibibigay sa kanila.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dion sa presscon ng Hiram na Anak sa 17th floor ng GMA Network nitong nakaraang Lunes, February 18.
Sa naturang Kapuso teleserye ay gaganap si Dion bilang si Adrian na mister ni Yasmien Kurdi bilang si Miren.
Sa direksyon ni Gil Tejada, Jr. nasa serye rin sina Empress, Lauren Young (as Dessa), Leanne Bautista (as Duday), Vaness del Moral (as Alma), Rita Avila (as Hilda), Sef Cadayona (as Vince), Maey Bautista (as Engke) at Paolo Contis (as Benjo).
PATIENCE AND PAKIKISAMA
May maipapayo rin daw si Dion sa mga baguhan tungkol sa patience.
Aniya, “Kasi merong parang nagmamadali, di ba?”
Dapat raw ay marunong maghintay ng tamang proyekto ang mga baguhan.
Importante rin daw ang pakikipagkapwa-tao.
Patuloy niya, “So siguro para sa akin importante yung ugali e, yung pakikisama sa mga tao, kahit sa mga crew, kailangan pakikisamahan mo yun.
“Kasi yun yung matatandaan nila sa 'yo, na hindi ka pa magaling na artista sa una, kasi nade-develop naman po yun, e.
“Pero kung mabuti ang attitude mo, yung pakikisama mo sa tao, sa katrabaho mo, maaala ka nila.
“Kunwari na-cast yun, ‘Kunin natin si ganito.’
“Ang daming magpi-pitch sa 'yo, ‘Sige kunin natin si ano, mabait yun, okay katrabaho yun. Magaan, walang attitude.’
“E, kung may attitude ka nagmamarka kasi yun—sa mga artista, sa production, sa lahat.”