Did McCoy feel hurt when Jameson became close to his ex-gf Elisse?

by Melba R. Llanera
Feb 25, 2019
McCoy de Leon (in photo) initially felt awkward when Jameson Blake became close to his ex-girlfriend Elisse Joson.
PHOTO/S: Allan Sancon



Matagal nang paniniwala sa showbiz na sa sandaling mabuwag ang isang love team ay tiyak na may aangat at may maiiwan sa magkapareha. Kadalasan daw na mas umaangat ang babae kaysa sa lalake.

Ganito nga raw ang sitwasyon ngayon matapos ang pagkakabuwag ng tambalang McLisse o McCoy de Leon at Elisse Joson.

Kumpirmado na magbibida ang ABS-CBN actress sa teleseryeng Sandugo kasama sina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.

Napapanood naman ngayon si McCoy sa Wansapanatayam Presents: Mr. Cutepido kunsaan kapareha niya si Heaven Peralejo.

Sa panayam ng PEP.ph at Cinema News kay McCoy noong February 18 sa bakuran ng ABS-CBN, siniguro ng Hashtags member na masaya siya at wala siyang bitterness sa magandang tinatakbo ng career ng ex-girlfriend.

"Ako naman di ko nakikita ang mga ganung bagay. Palagi kong sinasabi, di ko alam kung naniniwala ang mga tao, maniwala po kayo o sa hindi masaya po ako sa narating naming dalawa. Ito rin naman kasi yung hangad namin nung pumasok kami sa industrya.

"Happy ako kahit itaga ninyo pa sa bato kasi sabi nila parang fake daw. Wala namang masama na maging mabuti ka, maging maganda ang pananaw mo sa tao. May pinagsamahan naman kami. Happy ako sa mga nangyayari sa kanya.

"Maniwala man kayo o hindi, kahit ano ang mangyari sa amin, happy ako kasi ang ganda lang na maging positibo ka sa mga bagay kasi once na nag-isip ka ng di maganda, babalik sa iyo yun."

Ayon sa Kapamilya actor, kung hindi man siya magtagumpay sa showbiz ay may naiisip naman siyang fall back kung saka-sakali.

"Nami-misinterpret ito pero para sa akin, hindi naman hangad ko na makilala, sobrang sumikat. Ang gusto ko lang talaga yung passion ko in acting maipakita ko, bonus na lang yun na makilala ng marami. Kumbaga magagawa ko naman ang gusto ko na mag-aral, after nito kung sakali. Naiisip ko mag-business din, mag-aral pero sa ngayon wala pa kasi sa oras."

Tinanong din namin si McCoy kung bukas ba siya kung saka-sakaling pagtambalin sila muli ni Elisse sa isang proyekto pagkatapos nilang magsama sa pelikulang Sakaling Maging Tayo.

"Lagi ko namang sinasabi na open ako lagi. Ang pangit lang pakinggan sa isang baguhang artista na tatanggi ka sa isang bagay na ipagkakatiwala sa iyo. Ang dami na ring nandiyan na puwedeng pumalit sa iyo kaya. Ang pagtanggi talaga ang hirap para sa akin, puwera na lang pag sobra talagang di kakayanin para sa akin."

Sa ngayon ay wala na ring communication si McCoy kay Elisse.

"Wala na, di na kami nagkita."

Sa interview ni Jameson Blake sa Tonight With Boy Abunda ay inamin nito na si Elisse ang huling babae na nagpakilig sa kanya.

Inamin sa amin ni McCoy na nagsabi naman daw sa kanya ang kapwa Hashtags member tungkol dito.

Ani McCoy, "Sa akin ang hirap magsalita para sa akin kasi pag love team, pag lalaki talaga, dapat maging mabuti ka kasi ikaw ang laging masama. Di ko nilalahat pero kadalasan ganun ang nangyayari. Para sa akin, gusto kong pagpahingahin yung bagay na yun, ang importante sa akin okay kami ng kaibigan ko."

Aminado si McCoy na noong una ay nakaramdam siya ng pagkailang kay Jameson pero sa kalaunan ay mas nangibabaw ang pagkakaibigan nila.

"Sa totoo lang, matagal na...Una nailang ako pero na-realize ko mas okay yung ginawa niya. Kahit wala na kami, yung ginawa niya, mahirap na step yun. Respeto pa rin, sabi ko nga mas importante na sa ngayon na okay kami. Lalo na ngayon na nasa iisang bahay kami sa Showtime, naiintindihan ko siya."

Nasaktan ba siya nang maging close ang ex-girlfriend niya na si Elisse at ang kaibigan niyang si Jameson?

"Di naman na-hurt pero sabi ko ano naman ang karapatan ko na mainis kasi buhay na nila yun. Na-realize ko sobra na rin yung ginawa niya, matagal na yun, I think last year. Sa akin okay na yun, para sa akin mas nirespeto ko siya dun."

Sa ngayon, pinagbubutihan ni McCoy ang lahat ng proyekto na pinagkakatiwala sa kanya at isa na nga dito ay ang Wansapanataym Presents: Mr. Cutepido.

"Actually patapos na kami ng taping, after mga ilang days na lang, apat o lima. Yung ratings sobrang ganun-ganun, e.

Continue reading below ↓

"First time lang kasi ako nagkaroon ng show na ako yung bida. Marami kami pero ako yung nasa harapan. Gusto ko sanang mag-work hard pa kasi isa ito sa project na pinagkatiwala sa akin kaya dapat ibigay ko ang best ko."

Nag-celebrate si McCoy ng kaarawan niya noong February 20.

Para sa Hashtags member, ang hiling niya ay mabuting kalusugan ng pamilya at ng lahat ng tao na nagmamahal sa kanya.

"Sa akin kasi okay na ako kuntento na ako sa mga nangyayari, sobra-sobra na nga. Good health na lang para sa pamilya ko, ang hirap magkaroon ng sakit, yung magkaproblema talaga sa sakit. Yun lang ang hiniling ko sa Diyos, maging healthy ang pamilya ko at mga mahal ko sa buhay."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon (in photo) initially felt awkward when Jameson Blake became close to his ex-girlfriend Elisse Joson.
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results