Thea Tolentino on Asawa Ko, Karibal Ko scenes: "Manhid na po anit ko."

Thea Tolentino hopes she can veer away from kontrabida roles: "Minsan po iniisip ko, gusto ko ring ma-try yung light lang..."


Itinuturing ni Thea Tolentino na isang achievement ang makasama ang idolong si Cherie Gil sa isang proyekto.

Ito ay sa The Half Sisters noong 2014.

“May eksena dun inginudngod niya ako sa Mahjong board,” kuwento ni Thea.

Proud din si Thea dahil kung walang makalilimot sa classic scene kung saan tinapunan ni Cherie ng tubig si Sharon Cuneta sa classic movie na Bituing Walang Ningning (1985), kaya nagawa rin nila ni Cherie sa The Half Sisters ang ganoong eksena… with a twist!

“Itinulak ko siya dun, tinapunan ko siya ng wine. Bongga!”

Ano ang sinabi sa kanya ni Cherie that time?

“Wala, game siya! Sabi niya, ‘Okay lang, go, itulak mo ako, dear.’”

Hindi raw siya natakot gawin ang eksena. Aniya, “Mas nakakatakot pag hindi ko po ginawa ang eksena 'tapos mas nakakatakot pag nabitin, pag hindi ko ginawa nang tama ang eksena.”

Sa kasalukuyan naman ay napupuri si Thea dahil sa mahusay niyang pagganap bilang si Venus sa Asawa Ko, Karibal Ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Venus ang salot sa buhay nina Rachel (Kris Bernal) at Gavin (Rayver Cruz) sa naturang GMA-7 show na magwawakas na sa Sabado, March 2.

Wala pa bang nanigaw o umaway sa kanya sa isang public place?

May fans kasi na nadadala ng emosyon at inaakala na ang papel ng isang artista sa TV o pelikula ay siya ring pagkatao ng mga ito sa tunay na buhay.

“Wala pa naman po, kasi walang time pumunta sa isang public place,” at tumawa si Thea na lagare sa pag-aartista at pagiging 4th year student ng Public Administration sa Trinity College.

Kung may mga nagagalit sa kanya ay marami rin ang pumupuri kay Thea dahil sa husay niya bilang kontrabida.

In the future, wish ni Thea na bigyan siya ng GMA ng ibang role na hindi kontrabida.

Aniya, “Minsan po iniisip ko, gusto ko ring ma-try yung light lang, nakakasakit din kasi sa ulo yung galit na galit lagi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanggap naman daw ni Thea na sa pagiging kontrabida siya nag-e-excel at dito niya naipapakita ang pagiging mahusay na aktres niya.

Totohanan ang mga eksenang sampalan at sabunutan nila ni Kris sa Asawa Ko, Karibal Ko.

Kuwento niya, “Tulad ng isang beses, nagsabunutan kami, after ng take ang hair extensions ko nasa sahig!”

Sa tindi ng pagsabunot sa kanya ni Kris ay natanggal ang fake hair na ikinakabit kay Thea tuwing may Asawa Ko, Karibal Ko taping.

Masakit ba iyon para sa kanya?

“Manhid na po ang anit ko,” at muling natawa si Thea.

Hindi na raw nila iniintindi kapag nagkakasakitan sila ni Kris nang totohanan dahil kailangan sa eksena.

“At mabibigat na po yung mga naturang eksena this last week,” sabi pa ni Thea.

Hindi naman daw sila nagkakapikunan ni Kris kapag nagkakasakitan sila.

Alaga sila ng direktor nilang si Mark Sicat dela Cruz pagkatapos ng bawat eksena.

“Ano siya, ‘Okay ba kayo, may nasaktan ba?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maalaga siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea nitong Miyerkules, February 20, sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko sa E. Rodriguez Avenue Sr., Quezon City.

Sa show ay grabe kung umibig si Venus, ang kaniyang karakter. Si Thea ba sa tunay na buhay ay grabe ring magmahal?

“Wala… opposite kami ni Venus.”

Ano na ang pinakamatindi niyang ginawa para sa love?

 “Wala pa namang grabeng nangyari. Saka pag ayaw sa akin ng isang tao, wala, huwag na.”

Dagdag pa ni Thea, hindi raw siya makikipaglaban nang bongga sa ngalan ng pag-ibig, hindi tulad ni Venus na nang-agaw, nagpalit ng kasarian at pumatay pa para lamang sa isang lalaki.

 
 
 
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN