Kris Bernal on co-star Thea Tolentino: "Minsan nagkakasugat kasi siya, minsan nagkakapasa siya"

Kris Bernal reveals what she will miss most about her Asawa Ko, Karibal Ko co-stars.
by Rommel R. Llanes
Feb 28, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

“Buti na lang,” ang bulalas ni Kris Bernal nang banggitin namin sa kanya na mataas ang rating ng Asawa Ko, Karibal Ko hanggang sa pagtatapos nito this week.

Pero nalulungkot rin si Kris sa pagtatapos ng kanilang GMA-7 drama series ngayong Sabado, March 2.

“Kasi na-attach na rin ako dun sa mga katrabaho ko dito sa show. Lalo na sa naging pamilya ko.

“Like si Ms. Lotlot [De Leon], super-close ko siya dahil nga ilang beses na kaming nagkatrabaho so parang nanay ko na talaga siya.

“Tapos si Rayver naman hindi ko rin akalain na ganun siya kabait, ganun siya kakalog.

“Tapos si Thea napakahusay din. Alam mo yung parang bago sa akin pero gumaan agad ang loob ko sa kanila.

“So iyon yung pinakamami-miss ko.”

Nakausap namin si Kris nitong Miyerkules, February 20, sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko sa E. Rodriguez Avenue Sr. Bukod kay Kris ay tampok sa naturang teleserye sina Lotlot, Rayver Cruz, at Thea Tolentino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labis raw ang pasasalamat ni Kris sa GMA sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng trabaho.

First time nila ni Thea na magkatrabaho at lagi ngang natatanggal ang hair extensions ni Thea sa mga eksenang sabunutan nila.

“Oo, kawawa nga siya! Pero super-professional ni Thea kasi hindi siya nagrereklamo kahit anong nangyayari sa skin niya and buhok niya and all.

“Minsan nagkakasugat kasi siya, minsan nagkakapasa siya and yun nga ang sakit-sakit ng hair extensions niya.”

Maging si Kris man ay nasasaktan rin sa mga eksena nila ni Thea.

“Nagkakasakitan talaga kami.”

Wala pa raw planong gawin si Kris sa pagtatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko.

“Sa ngayon, wala pa akong nababalitaan kung anong next [show] ko pero magbabakasyon muna ako at saka ngayon makakapag-focus ako sa House of Gogi saka sa She.”

Ang House of Gogi ang Korean restaurant niya at ang She ay ang lipstick line ni Kris.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ngayon talagag kinakain na yung oras ko, e, ang dami kong iniintindi.

“So makakapag-focus ako, and at the same magta-travel ako to Japan kasama ko yung boyfriend ko. Pasyal, pahinga, ganyan, one week lang naman. Mga first week of April.”

Last Valentine's Day ay kumain sila sa labas ng boyfriend niyang si Perry Choi.

“Tapos niregaluhan niya ako ng mga may mga pa-surprise siyang mga food, kasi chef siya, e. So nilutuan niya ako, ganun.

“Ako rin naman kasi hindi na ako humihingi ng malaki or bonggang regalo kasi tapos na rin kami sa stage na nagreregaluhan, e.”

Pareho daw sila ni Perry na hindi materialistic, na hindi nila sinusukat ang relasyon nila sa regalo.

Paano kung biglang mag-propose ng kasal si Perry?

“Wow! Siguro hindi pa ngayon. Pero, let’s say in two years or…

“Puwede naman pero as long kasi as may work pa ako, hindi ko pa kaya,” at tumawa si Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So ayaw pa niyang mag-asawa.

“Hindi pa. Ngayon kung tatanungin mo ako, straight yung sagot ko hindi pa. Kasi gusto ko pang mag-work, e.”

Thirty years old na si Kris this May.

Partners sila ni Perry sa House of Gogi.

“Siya yung chef dun.”

Hindi raw nag-aalala si Kris sa sinasabi ng iba na kapag magkasosyo ang magkasintahan ay nagkakaproblema sa negosyo.

Nagkakaroon naman raw sila ng diskusyon pero naaayos naman nila agad.

Maging sa mga eksena ni Kris sa TV show or pelikula tulad ng kissing scene ay hindi nakikialam si Perry.

“Alam naman niya na work iyon.”

Two years na ang relasyon nila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results