The TNT Boys beats Korean dance group in The World's Best

by Ruel J. Mendoza
Mar 3, 2019

Standing ovation ang natanggap muli ng TNT Boys sa pagbalik nila sa entablado ng U.S. talent show na The World's Best noong February 28.

Ang trio na binubuo nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, and Kiefer Sanchez ay nag-deliver ng powerful performance sa awitin na "And I Am Telling You I'm Not Going" mula sa musical na Dreamgirls.

Kitang-kita ang pagkamangha ng TWB judges na sina Drew Barrymore, RuPaul, and Faith Hill, pati na ang ilang international judges, sa nakakatindig-balahibong performance ng Pinoy trio.

Ayon sa TWB host na si James Corden na maluluha-luha at tinawag na "infectious" ang performance ng trio, nagtataka siya kung bakit TNT Boys ang tawag sa kanila?

Pero siya na rin ang sumagot sa sarili niyang tanong: "Now I realize whenever you sing, you just blow the roof off the place!"

At tulad sa unang performance nila, umani ng papuri ang TNT Boys sa mga judges na sina RuPaul, Drew Barrymore, at Faith Hill.

Continue reading below ↓

“I already love them. I couldn’t think I could love them any more. But my goodness, every note, pitch perfect. You boys are fabulous,” nasabi ni RuPaul.

Dagdag naman ni Drew Barrymore: “I think you’re the embodiment of what this show is about. It is an all-ages party and everyone’s invited!"

Mula naman kay Faith Hill: “You have the kind of confidence that allows the audience to relax and enjoy your performance. I just feel like the luckiest person in the world because I can sit here and witness this.”

Nakakuha ng total score of 97 ang TNT Boys na mula sa American judges at mga jurors comprising the Wall of the World, kaya pasok sila sa susunod na round.

Natalo nila ang South Korean dance group na Emotional Line sa Battle Round na ito ng U.S. talent show. Ang Emotional Libe ay nakakuha ng score na 43.

Continue reading below ↓

Noong unang paglabas ng TNT Boys sa TWB, 99 ang nakuha nilang score sa performance nila ng "Listen" ni Beyoncé Knowles.

Bukod sa nagkaroon na ng sold-out concert sa Araneta Coliseum ang TNT Boys, nagkaroon na sila ng international appearances sa American, UK, at Australian versions ng show na Little Big Shots.

Ang latest live appearance nila ay ang homecoming show para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Araneta Coliseum noong February 24.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results