"Super Twins" director hopes to sustain ratings supremacy


Dominic Zapata is very happy with the rating of the pilot episode of Super Twins despite tough competition from ABS-CBN's Maria Flordeluna.


Sobra-sobra ang saya ni Direk Dominic Zapata dahil sa magandang rating na nakuha ng pilot episode ng bago niyang idinidirek na show sa GMA-7 na Super Twins. Alam daw nila na may makakatapat sila na bago ring show sa ABS-CBN, ang Maria Flordeluna, pero mas marami pa rin daw ang nanood ng pilot episode nila.



"We pray na consistent kami sa ratings parati," asam ni Direk Dom. "Hindi na madali ang labanan ngayon sa TV because pagandahan na ngayon ng production. But we all believe in what Super Twins can offer. Nandito na kasi lahat—may drama, comedy, action at fantasy. Pinag-isipan ng mga writers namin kung paano mabubuo ang show without it being a copycat of any of the past telefantasyas of the network."



Nakilala si Direk Dominic sa pagdidirek niya ng mga GMA-7 telefantasyas tulad ng Mulawin, Darna, Sugo, at Captain Barbell. Nagdirek din siya ng mga youth-oriented shows like Click, Joyride, at Love To Love. Siya rin ang unang direktor ng gag show na Nuts Entertainment.



Kung sa mga past telefastasyas na idinirek si Direk Dom ay nakatutok siya kay Richard Gutierrez (Mulawin, Sugo, at Captain Barbell), this time ay si Dennis Trillo naman ang aalagaan niya sa mga action scenes sa Super Twins.



"Kami naman ni Dennis, we've come a long way. I directed him in Twin Hearts tapos sa Love To Love. Then, nakasama rin siya sa Mulawin at Darna. Nakawala lang siya sa akin when he did Majika," kwento ng direktor.

"Ngayon at nasa cast din siya ng Super Twins where he plays a dual role," patuloy ni Direk Dom, "I want him to show me yung kaya pa niyang ibigay sa role niya. I believe in Dennis's talent at alam ko na marami pa siyang maipapakita sa mga televiewers natin. In Super Twins , you will see two sides of Dennis na ngayon lang niya gagawin sa isang show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ibinalita rin ni Direk Dom na malapit nang matapos ang kanyang girlfriend na si Krista Ranillo (anak ng aktor na si Mat Ranillo III) sa kurso nito sa Ateneo de Manila University. Graduating na raw si Krista this year. Proud nga si Direk Dom dahil ipinagpaliban muna ni Krista ang showbiz para makatapos ito sa kanyang pag-aaral.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN