Two gangs clash in "Kalye," Nov 17


Watch the Caloocan gangs of "Agudo Town" and "Tagaytay Town" have a musical face-off in the November 17 episode of Kalye. It will air on ABS-CBN right after Bandila.



Muling magku-krus ang landas ng magkaribal na grupong "Agudo Town" at "Tagaytay Town" ngayong Lunes (Nobyembre 17). Ngunit hindi tulad ng dati, walang rambulang magaganap sa kalye dahil musika at hindi buhay ang pakay ng mga bagets na taga Caloocan.

Sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Quezon City naman, tatlong tao ang napatay sa pinakabagong insidente ng krimen sa loob mismo ng paaralan. Dapat na nga bang makialam ang PNP sa seguridad ng "malayang" unibersidad?

Alamin din ang buhay kolorum ng mga taong namamasada ng walang prangkisa. Mahirap nga bang mag hanapbuhay ng ligal sa bansa?

Samahan sina Sol Aragones, Atom Araullo at Anthony Taberna sa paghahanap ng mga kasagutan sa Kalye ngayong Lunes, Nobyembre 17, sa ABS-CBN, pagkatapos ng Bandila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN