A tearful first meeting for Sharon and Lovi


Sharon Cuneta met the daughter of Fernando Poe Jr., Lovi Poe, for the first time, when they both guested in SOP.



Nagkaiyakan sa unang pagkikita ng Megastar na si Sharon Cuneta at ng young actress-singer na si Lovi Poe. Naganap ang tagpong ito nang parehong mag-guest ang dalawa sa GMA-7 musical variety show na SOP.

Sa panayam ng S-Files, naluluha pang nagsalita si Lovi tungkol sa pagtatagpo nila ni Sharon. Touched na touched daw ang dalagang anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. sa gesture na ipinakita sa kanya ng Megastar.

"I can't imagine that. It was the first time I met her. Someone close to my dad na sabihin na, ‘Nakikita ko yung daddy mo sa ‘yo.' Wow! It's just a different kind of feeling," tila hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Lovi.

"Kung gaano siya ka-close sa Dad ko, ipinaramdam niya na she could be the same way sa ‘kin. And when she hugged me, na-feel ko na there's really someone out there na friend ng dad ko, na ‘di talaga ako pababayaan," sabi pa niya.

Sa panayam naman kay Sharon, nagpahayag din siya ng pagkatuwa kay Lovi.

"When I first saw Lovi, sabi ko, ang gandang bata, may hawig kay KC [Concepcion, Sharon's daughter]. ‘Tapos nagulat ako nung nabasa ko na anak pala siya ni Da King. I'm so touched kasi I miss him [FPJ] very much. I'm happy to see that she's a decent girl," sabi naman ng naluluha ring Megastar.

Dalawang pelikula ang pinagsamahan nina FPJ at Sharon, ang Kahit Konting Pagtingin noong 1990 at ang sequel nitong Minsan Pa noong 1995.

Anak ni FPJ si Lovi sa dating modelo na si Rowena Moran.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN