Jennylyn Mercado and Jeremy Marquez to appear together in "Maynila"


Si Jennylyn Mercado (kanan) raw ang "third party" sa pag-break ni Jeremy Marquez at ang kanyang ex-girlfriend na si Alessandra de Rossi.


Hindi naman nagkaroon ng tensyon sa muling pagsasama nina Jennylyn Mercado at Jeremy Marquez sa iisang proyekto, this time sa episode ng Maynila sa darating na Sabado, February 17. Matatandaang inakusahan noon si Jennylyn na naging dahilan ng break-up nina Jeremy at Alessandra de Rossi.

Nagkaroon na rin ng guesting sina Jeremy at Jennylyn together in an episode of Magpakailanman late last year at may kissing scene pa nga sila. And for the second time around, nagsama ang dalawa na dating na-link romantically sa isa't-isa.

Trabaho ang hinarap ng dalawa sa panibagong pagkakataon na nagkasama sila sa isang project, hindi naman nag-usap ang dalawa tungkol sa kani-kanilang lovelife.

Open book na ngayon sa publiko ang pagkakaroon ng seryosohang relasyon nina Jennylyn at Patrick Garcia, samantalang break pa rin sina Jeremy at Alessandra. Si Karel Marquez ang pinakahuling female showbiz celebrity na na-link kay Jeremy.

Mapapanood din sa naturang episode na ito si Josef Marcelo (na gaganap na pinsan ni Jeremy sa kuwento), isang baguhang aktor.

Bukod sa Maynila, regular cast member rin ng Super Twins at Princess Charming si Josef, bukod pa sa past appearances niya sa Encantadia at Magpakailanman.

Ang drama-documentary na Maynila ay mapapanood tuwing Sabado (10:30 a.m.) sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN