"The Correspondents" mark 10th anniv on air


(From left) Bernadette Sembrano, Karen Davila, and Abner Mercado talk about their experiences while working for ABS-CBN's investigative documentary program. The two-part TV special will air on November 25 and December 2 right after Bandila.



Kung nasaan ang kuwento, naroon ang The Correspondents. Iyan ang ipinagmamalaki ng The Correspondents, ang primerong long-running investigative documentary program ng ABS-CBN na naglalayong magbigay ng malalim na pagbusisi sa tunay na karanasan ng mga totoong tao, kaugnay ng mga kaganapan sa paligid nila.


Ngayong nagdiriwang ang The Correspondents ng ika-sampung anibersaryo, samahan sina Ces Drilon, Abner Mercado, Bernadette Sembrano at Karen Davila sa dalawnag magkasunod na Martes, November 25 at December 2, upang balik-tanawin ang mga pinakamalalaking istorya ng nakraang dekada na pumukaw ng damdamin at gumising sa kamalayan ng bawat Pilipino, dito man sa Pilipinas o sa ibayong-dagat.


Nakausap ng ilang piling press people kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga correspondents na sina Abner, Bernadette at Karen at maging ang ilang tagapamahala ng produksyon ng The Correspondents sa November 20 press con na ginanap sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN Network. Hindi naman nakadalo sa presscon ang isa pang senior correspondent na si Ces Drilon.


Ayon sa executive producer ng The Correspondents na si Romel Bernardo, para sa ika-sampung anibersaryo ng programa ay babalikan nito ang pinakamalalaki at pinakamakasaysayang kuwentong naitampok sa The Correspondents tulad ng pagpapatalsik kay dating Pangulong Joseph Estrada noong pangalawang EDSA Revolution.


Bubuhayin din ang alaala tungkol sa kalagayan ng mga bataang lublob sa gutom at malnutrisyon gayundin ang nasyonalismong dala ng unang tatlong Pinoy na nakarating sa tuktok ng Mt. Everest.


Dadalhin din ng programa ang mga manonood sa gitna ng palitan ng salita sa ZTE scandal at palitan ng putukan sa mga giyera sa Basilan hanggang Afghansitan at Baghdad. Kasama rin sa pagbabalik tanaw na ito ang mga naunang correspondents na naging bahagi ng programa sa loob ng isang dekada tulad ng mga unang kasama ni Abner na sina Ed Pingao at Patrick Paez.


Sa sampung taon ng The Correspondents sa ere hindi na rin mabilang ang mga parangal at pagkilala na iginawad sa programa ng mga respetadong award-giving bodies tulad ng New York Television Awards, UNICEF, Catholic Mass Media Awards, Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas at USTv Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FEARLESS PROGRAM. Tinanong ng mga dumalong press kung paano ilalarawan ng mga hosts ng The Correspondents ang programang kanilang kinabibilangan? Paano ito naging kaiba sa iba pang public affairs or documentary programs?

"I would like to say na since 1998, yung The Correspondents ang isa sa pinakamatapang na programa in Channel 2. In 1998, The Correspondents was at the forefront in covering the impeachment trial of Erap (Joseph Estrada). Kung natatandaan n'yo, we did all the series of expose ng lahat ng palasyo ni Erap. We exposed the Boracay mansion and all the other alleged hidden wealth of Erap. It hasn't been done a lot then, pero ang Correspondents, was very, very fearless. May rally, may Edsa 3 na pinagbabato ang Correspondents noon," salaysay ni Karen.


"We have to honor the correspondents before us like Ed Pingao and Patrick Paez na talagang pumunta pa ng Afghanistan at Iraq. And that is really the heart of the program. Correspondents...big story that may not air or may not have the vehicle or medium to show, but we did it in The Correspondents. Ako personally, the stories I've done for Correspondents have really redefined my career. Yung ginawa namin yung Batang Preso, yung juveniles in jail. It's just in time yung filing ng justice for juveniles in jail. President Arroyo acknowledged it. Sen. Kiko Pangilinan also acknowledged it. We won an award in Hong Kong for it. And that is very fulfilling for us as a team. Because we realize that a program aired at late night, okay yung mga touching documentaries na maraming tutulong. But we actually have a bill made into law because the story was a part of a bigger picture. Yung juveniles in jail story was recognized by UNICEF and acted on it.


"Another expose that we did was the 'Palobo Boys,' yung rugby boys and how it actually changes the physical attributes of a person, yung long time damage sa katawan ng bata. We treated it differently so it won the Silver Medal in the New York Festival. It was very humbling because there were so many programs also from the other network that has been recognized for another child story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"And then came yung 'Gutom.' That was when we covered malnutrition in all parts of the country. And then we got a new one which also got a lot of feedback. So, I think yung The Correspondents has evolved so much from our seniors then, to what we learned from them to now. Right now we have a team, a very young team. Aside from Bernadette who has been with us for the last few years, we have Dominic Almelor, a very young correspondent na galing din sa pagiging reporter na walang takot. Ginawa niya yung 'Retaso,' yung 'Pagpag' na kumain pa talaga siya ng galing sa basura. At doon ipinakita yung mahirap na pamumuhay talaga ng mga Pilipino. We also have Ricky Carandang. And of course, the most senior one, a veteran, Ces Drilon, who is well-received and recognized for her coverage of the Manila Peninsula and the Abu Sayyaf episode."


With regards to TV ratings of the show, Karen explains: "I think The Correspondents is basically the venue for good stories, eye-opening stories and tackling social issues, anything that need the attention that you want people to see. It may rate, it may not rate, but at the end of the day it remains faithful to that particular goal."

THE POWER OF DOCUMENTARIES. Paano naman nakakatulong yung The Correspondents sa mga taong nangangailangan na naitatampok nilang ang istorya sa programa?


"Sa totoo lang minsan after namin gawin yung isang istorya, minsan pag-uwi mo ng bahay talagang uusigin ka ng iyong konsensiya. Ano ito wala ka bang gagawin? In a way ‘prinostitute' din namin yung istorya nila e. May mga nagtatanong nga, ‘Binabayaran n'yo ba yan?' Hangga't maaari hindi kami nagbabayad para sa kuwento. Ang ginagawa namin ikino-coordinate namin sa mga ahensiya ng pamahalaan na pwede namin silang mabigyan ng tulong. Like kunwari, hindi makapag-aral, ilalapit namin sila sa isang ahensiya o foundation para makapag-aral," ani Abner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Meron din kasi kami sa news and current affairs, yung public service unit. Hindi lang ito sa The Correspondents umiiral, kumbaga kapag may napanood kayong istorya sa Kalye maski sa Maalaala Mo Kaya, tapos may gustong tumulong, idinadaan namin iyon sa public service unit. Meron din kasi kaming parang grupo ng social workers na mino-monitor din. Kumbaga kapag may ibinigya, pina-facilitate din namin sila, kung halimbawa gusto ng viewer na gamitin for medical. So, kami ang nakikipag-coordinate sa hospital, etc., etc., para tama rin yung paggastos. Hindi lang basta ibinigay mo yung pera sa pamilya. It's still dependent on the need," kuwento naman ni Bernadette.


Sabi naman ni Karen, "Actually kung minsan yung effect ng story is very immediate. Minsan yung taong nakita nila, yun talaga ng gusto nilang tulungan. One instance, na nakita yung kapangyarihan ng programa, yung story ni Nikolai Magtibay yung batang may sakit sa liver at kailangan ng liver transplant. Tapos yung tatay niya ang masipag na masipag na kumakalap ng pera para sa anak niya. Walang liver transplant dito sa Pilipinas. The cheapest is sa Taiwan, P3 million. Nakapag-collate na yung tatay ng P1 million on his own. Lumapit na siya sa mga pulitiko, hanggang sa kung sinu-sinong mga tao. So na-touch ako sa istorya ng ama na ito. Ang ginawa namin lumapit kami sa PCSO, at nagbigay sila ng I think P700,000 or P800,000. Pero nung pinalabas sa The Correspondents yung story,we were able to raise P1.8 million for that boy, and it's aired late night. So, naoperahan yung bata, who was one year old then. Now, six years old na siya.


"What I'm saying is, ganyan ka-receptive ang viewers. When the story is moving, it calls people to action, in fact, drastic action. Sometimes people do the unimaginable, miraculous things because they are moved by the story. Yun ang very fulfilling, yung to know that people are inspired to act just by watching a story."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LEGACY IN BROADCAST INDUSTRY. Sabi nga nila, more than the ratings mas importante ang katapatan sa trabaho at sa mga viewers. So, paano nila gustong maalala sa broadcast industry? Anong legacy ang gusto nilang iwan?


Unang sumagot si Bernadette, "Ako kahit huwag akong maalala e. Kasi kahit anong sabihin mo, makakalimutan at makakalimutan ka e, sa totoo lang. Pero yung istorya, yun ang sana ay maalala nila."


"Gusto kong maalala ako ng mga tao dahil sa mga kuwentong ginagawa ko. Halimbawa, yung tungkol sa mga lola sa kulungan. Thankful yung mga lola na yun na nakalaya sila simula noong maere yung istorya nila. So, gusto kong maalala ako ng mga tao na heto ang isang journalist na hindi lang nagkuwento kundi may naging resolusyon yung kuwneto niya pagkatapos," wika naman ni Abner.


Ayon naman kay Karen, "Ang totoo naman talaga, gaya ng sabi ni Bernadette, tayo makakalimutan. Ako lang habang ako ay nabubuhay, gusto kong magustuhan ako ng mga tao dahil sa mga istoryang ginagawa ko. Yung boses ko sa telebisyon at radyo makapangyarihan e. Yung opinyon mo pinapahalagahan. Ako lang in my own way, I would like to handle my self with the most utmost integrity. Because I want to give justice to all the responsibility that has been given to me. Napakasarap sa pakiramdam yung creatively you made an impact. As a journalist I am here to initiate change. And that's what I want. I want to be an instrument for change."


BETTER STORIES. Ayon pa kina The Correspondents executive producer Romel Bernardo at Kane Errol Choa ng ABS-CBN Corporate Communications, asahan na mas pag-iibayuhin pa ng grupo ang pagsasaliksik, pagtalakay at paghahayag ng mg kuwentong may saysay at kurot sa puso ng bawat Pilipino sa pangunguna na rin ng mga correspondents na sina Ces, Abner, Bernadette at Karen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Bilang paunang tikim sa mga parating na pagbabago at imporvements sa show, simula sa December 2 sasabak ang mga correspondents bilang kabahagi sa kuwento at hindi lang bilang tagapagasalysay nito.


Ang matapang na si Ces, na beterana ng maraming eksklusibong engkwentro mula Manila Peninsula siege hanggang sa kanya mismong pagkakakidnap sa Mindanao, ay babalik sa bakbakan bilang isang nurse sa V. Luna Military Hospital na umaaruga sa mga sundalong biktima ng war shock.


Si correspondent Abner naman ay babalikan at makikipamuhay sa mga lola na nakakulong sa Correctional. Tinutukan ni Abner ang kuwentong ito hanggang sa makalaya ang ilang mga lola. Susundna niya ang mga kaso nila mula sa Department of Justice hanggang sa Malacañang. Hahanapin niya ang mga ito para kumustahin at alamin kung ano na ang mga pagbabagong nangyari sa kanilang buhay.


Si Bernadette naman ay magsisilbing tagapag-alaga sa isang hospisyo. Huling araw ng mga kababayan nating may taning na ang buhay ang ibabahagi naman ni Mula sa mga mata ni Bernadette ay nakikita ang kanilang dinaranas at mga pananaw habang unti-unting naglalaho ang kanilag buhay.


Guro naman ng mga special children ang gagampanan ni Karen. Malapit sa puso ni Karen ang istoryang ito dahil isa sa kanyang dalawang anak ay special child.


Abangan ang 10th anniversary special ng The Correspondents sa magkasunod na Martes, November 25 at Disyembre 2, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN