Senator Jinggoy Estrada is part of the February 15 episode of "Magpakailanman"


Senator Jinggoy Estrada (left) plays the role of Mang Igme in the drama series hosted by Ms. Mel Tiangco.


Si Ginoong Igmidio Alcones ay isang lalaking dahil sa kagat ng lamok ay nagkaroon ng elephantiasis sa kanang binti.

Kaya naman napili ng Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco na i-feature ang buhay ni Mang Igme na ipapalabas ngayong gabi, February 15, sa GMA-7.

At sa isang natatanging pagganap, matapos ang apat na taon, pumayag si Senator Jinggoy Estrada na maging isang artista para sa kuwento ng buhay ni Mang Igme sa episode na pinamagatang "Munting Kagat, Dambuhalang Sugat/The Igmidio Alcones Story."

Makakasama ng senador sina Diana Zubiri bilang Estelita, Richard Quan bilang Jovito, at Mengi Cubarrubias bilang Alex.

During the taping, hinanap agad ni Senator Jinggoy si Mang Igme, at nang nakita nito ang nakakaawang kalagayan nito, gumawa agad ito ng hakbang para maipagamot sa isang matinong ospital ang lalaking maysakit.

Ang taong may elephantiasis ay nagkakaroon ng bukol sa paa hanggang sa lumaki ito na parang paa ng elepante.

Hindi pa du'n nagtapos ang pagtulong ni Senator Jinggoy (who's celebrating his birthday this Saturday, February 17). Bago matapos ang taping nila, pinaabutan nito ng tulong na salapi si Mang Igme.

Walang nakakaalam kundi si Mang Igme lamang kung magkano ang perang ibinigay dito ng senador.

Mapapanood ang Magpakailanman tuwing Huwebes, pagkatapos ng StarStruck: The Next Level.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN