"Pinoy Fear Factor" has new timeslot


Jommy Teotico (left) stripped in El Campo Miedo for being the weakest participante in their rope challenge. However, when Ram Sagad (right) is the second person eliminated from Pinoy Fear Factor: Argentina South America when he did not perform well in the helicopter stunt.



Noong Biyernes, November 21, si Ram Sagad ang pangalawang participante ng Pinoy Fear Factor: Argentina South America na na-eliminate at pinauwi sa Pilipinas. Ang 23-year-old na basketball player ang sumunod kay Gail Nicolas na nauna nang umuwi sa Pilipinas a week ago.

Last Monday, November 17, nagsimula ang second elimination round with a stunt kung saan kailangang maglambitin at magpalipat-lipat ng mga contestants na parang si Tarzan sa pitong lubid. Nakasabit ang lubid ng 15 meters above the ground. Protected with a harness, kailangan nilang tumawid from one end by holding on to the first rope, all the way to the other end by holding on sa ikapitong lubid. They must finish the stunt in the shortest time possible.

Ang first contestant na gumawa ng stunt na ito na si Jommy Teotico, 24,ay nakarating hanggang sa ika-aapat na lubid lang at nakabitiw na.

Sumunod kay Jommy si RJ Calipus na aminadong may fear of heights. Pero sa kabila n niito, natapos RJ ang challenge at nakarating siya sa kabilang side sa loob ng 3 minutes and 19 seconds.

Pagkalampas pa lang sa unang lubid ay bumagsak na ang participanteng si Janna Dominguez matapos ang one minute and 52 seconds.

Pang-apat na participante for this stunt ang Austrian balikbayan na si Marion dela Cruz, 21. Mabilis na natapos ni Marion ang challenge sa loob lang ng 50 seconds.

Sumunod na sumubok sa challenge si LJ Moreno pero bago pa makarating si LJ sa huling lubid at nahulog na siya.

The next day, November 18, Tuesday, ang participanteng si Ram Sagad ang sumunod na naglambitin. Unfortunately, hindi nakaabot sa huling lubid ang former cager. Pagdating sa ikaanim na lubid ay nakabitiw na si Ram. Ganoon din ang nangyari sa participanteng si Elmer Felix, 25. Sa loob ng isang minuto at 56 segundos ay hindi na naabot ni Elmer ang ikapitong lubid. Si Jose Sarasola, 22, ay natapos ang challenge sa loob ng 2 minutes and 11 seconds kahit na may pagkakataong napulupot sa leeg niya ang lubid na naglampasan niya.

The female participante na si Savanah Lamsen, 23, ay nakaabot hanggang ikatlong lubid at nakabitiw na.

Nakarating naman ang The Buzz co-host na si Phem Baranda, 27, hanggang ikaapat na lubid sa loob ng one minute and 30 seconds.

Ang contestant na si Manuel Chua, 27, ang pinakamabilis. Natapos niya ang challenge sa loob ng 47 seconds.

Ang pinakamabagal sa mga female contestants ay si Janna. Samantala si Jommy naman ang pinakakulelat ang score sa mga male participantes na nakaabot sa pang-apat na lubid sa loob ng 1 minute and 22 seconds. As a consequence of this, isa sa kanila ang magsasayaw ng hubad, at ang isa naman ang tatayong host sa isang short program na panonoorin ng mga mga iba pang participantes. Hindi feel ng karamihan sa mga female participantes ang alaskador na si Jommy, so they voted na si Jommy ang sasayaw ng hubad at si Janna ang host.


STRIP TEASE.
Kinagabihan sa El Campo Miedo kung saan naka-base ang mga participantes, nagsimula ang short program with Jommy fully clothed. Hanggang sa isa-isa niyang tinanggal ang mga suot habang nagsasayaw doing sexy moves. Ipinakitang hinubad ni Jommy ang kanyang underwear, pero hindi niya tinanggal ang nakatapis na tuwalya. "Mas kinabahan ako sa pagsasayaw ng hubad kesa sa mga stunts," sabi ni Jommy matapos ang kanyang performance.

Sa Wednesday episode last week, ipinakitang may sakit ang participanteng si Elmer kaya hindi na nito nagawang manood ng show ni Jommy.

Dalawa sa female and dalawa sa male participantes na pinakamabilis sa paglalambitin sa mga lubid ay exempted sa second challenge. Pito sa mga participantes ang nakasama sa second challenge for the second round of elimination.

SHEEP FOR BREAKFAST. Early morning, the seven participantes were gathered and was shown a big pile of raw sheep eyes and brains. "Malayo tayo sa siyudad dito. We can really relax," sabi ng host na si Ryan. Naghanda ako ng masarap na almusal para sa inyo. Hilaw na [mga] utak at mata ng tupa."

Each participante ay kailangang kumuha ng isang baso ng gatas mula sa tray. Iinumin nila ng gatas, at sa ilalim ng baso ay nakasulat kung ilang utak at mata ng tupa ang kailangan nilang kainin. Matapos kainin ang utak at mata, hindi maaaring sumuka ang sinuman hanggang hindi pa tapos kumain ang lahat ng pitong participantes.

Si RJ and unang contestant at ang nakasulat sa bottom ng baso ng gatas na ininom niya ay tatlong mata ng tupa at kalahating utak ng tupa. Jose had the same number. Masuwerte sina Ram, Savanah at Janna dahil sa napili nilang glass of milk ang kailangang lang nilang kainin ay kalahating utak ng tupa. Alaskado naman si Jommy habang nginunguya ang isang buong utak at dalawang mata. "Tanggap ko naman ang pang-aasar nila kasi part ng game yon, e," sabi niya.

Nahirapan sa pagkain si Elmer ng dalawang mata at isang buong utak dahil lumaki siyang hindi siya pinapakain ng taba ng nanay niya. Ang ginawa niya'y nilamutak niya ang utak sa plato bago ito kinain habang pisil ng isa niyang kamay ang kanyang ilong para hindi maamoy ang kinakain niyang hilaw na utak. Host Ryan Agoncillo told Elmer na kailangang kainin din ang mga piraso ng utak na dumikit sa mga daliri nito.

Nahirapan ang mga participantes sa pagkain ng mata ng tupa dahil matigas ito. Kinailangan nilang kagatin mabuti ang mata kaya may mga pagkakataong tumatalsik ang maitim ng dugo pag nakagat na nila. Ang utak naman ay hindi nila magawang lunukin nang biglaan dahil may mga litid pag kinagat ang isang piraso nito.

Ryan congratulated all the contestants because all of them were able to finish eating the the amount of sheep eyes and brains they were required to eat. But the length of time they were able to finish the stunt will be the deciding factor kung sino ang makakasama sa third challenge in this second round of elimination.

At ang apat na pinakamabagal ay sina Jommy (14 minutes 22 second), Elmer (13 mnutes 9 seconds), Jose (7 minutes and 13 seconds), at kahit na kalahating utak ang lang kinain ni Ram nakasama pa rin siya dahil inabot siya ng 4 minutes and 53 seconds.

HELICOPTER STUNT. Ang third challenge ay tinawag na Acrobacias de Helicoptero kung saan hahawak and participante sa trapeze na nakasabit sa ilalim ng helicopter. Ililipad sila ng helicopter ng up to eight meters high above a body of water and the pilot will sway the chopper para maihulog sa tubig ang participante. Sa stunt na ito, pahabaan ng oras or patagalan ng time na nakahawak sa trapeze. The time will stop pagtama ng participante sa tubig.

Ang veterinarian na si Elmer and unang contestant. Medyo masama ang pagbagsak ni Elmer dahil patagilid ang pagtama niya sa tubig. Nang kinukuha na siya ng crew para iahon, he kept saying "My back! My back!" Medyo nabugbog ang side niya kaya sumakit din ang ribs niya. But he was able to finish the stunt in 38 seconds. Jose followed and finished in 49 seconds. Jommy made it in 39 seconds. In the end, si Ram ang pinakamabilis na bumitiw sa trapeze with 30 seconds. Ito ang dahilan kaya natanggal si Ram sa second round of elimination of Pinoy Fear Factor.

Nang malaman ng ibang participantes na si Ram ang uuwi, pinakanaapektuhan at naiyak si RJ. That night nang nag-eempake na ng mga gamit niya si Ram, hinubad ni RJ and suot na singsing at ibinigay kay Ram. "Nakakalungkot na uuwi na ako sa Pilipinas at tapos na ang time ko sa Pinoy Fear Factor. Siguro may gusto pa si God na iba para sa akin," nasabi na lang ni Ram nang paalis na siya.


CONTROVERSIAL RING. Yesterday, November 21, nag-guest sa The Buzz si Ram Sagad. Tinanong ng host na si Ruffa Gutierrez ang tungkol sa singsing na binigay ni RJ kay Ram. "Hindi kaya isipin ng iba na it may mean something else?" insinuating na baka "type" ni RJ si Ram.

"Hindi naman," nakangiting sabi ng natanggal na participante. Mabait lang daw talaga si RJ at naa-appreciate lang nito and maliliit na bagay na nagawa niya sa kaibigan, like pagpapahiram ng thermo gloves, when they were together as contestants sa Fear Factor. When Ram was asked kung sino ang gusto niyang manalo as Ultimo Participante sa Pinoy Fear Factor, sinabi ni Ram na sana daw ay si RJ. "Dahil feeling ko mas kailangan niya yung premyo. Kasi sa age niya, bata pa siya, pero meron na siyang kid. It would be nice kung siya makakuha ng house and lot and the cash prize."

The third round of eliminations of Pinoy Fear Factor will feature another set of stunts na tiyak na susukat at lakas at tapang ng mga natitirang participantes.

Sa unang stunt, isang kotse na naka-hang sa ere ang ang sasakyan ng contestant. Lalabas siya mula sa driver's seat para kunin ang licence place sa bumper at sa likuran ng kotse. Sa pangalawang stunt ay maliligo sila sa isang malaking tangke kasama ang iba't ibang klase ng mga ahas. Kukunin nila ang susi na nasa bottom ng tangke para mabuksan ang trap door. Ang pangatlong stunt at kailangan nilang sumakay ng bisikleta through sheets of glass.

NEW TIME SLOT. Simula ngayong gabi, magsisimula magpapalit ng time slot ang Pinoy Fear Factor: Argentina, South America. Mapapanood na ito at a later time. Kung noon ay right after I Love Betty La Fea ang slot ng PFF, ngayon ay kasunod na nito ang Kahit Isang Saglit. The teleserye starring Jericho Rosales and Malaysian star Carmen Soo na ang kasunod ng show ni Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.


Sino ang pangatlong participante na susunod kay Ram na uuwi sa Pilipinas? Abangan gabi-gabi sa Pinoy Fear Factor: Argentina South America sa bago nitong time slot (after Kahit Isang Saglit) sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN