22nd Star Awards for TV will take place on Nov 30


The coverage of the 22nd Star Awards forTelevision will air on TV5 by December 2 from 8-11 pm. The Ading Fernando Lifetime Achievement Award goes to Ms. Rosa Rosal (right) while the Excellence in BroadcastingLifetime Achievement Award goes to Sen.Loren Legarda (left).



Muli na namang masasaksihan ng publiko ang maningning na tagisan ngiba't ibang talino sa larangan ng telebisyon sa Pilipinas sa pamamagitanng 22nd Star Awards forTelevision 2008.

Sa taong ito, isang espesyal na palatuntunan ang inihanda ng mgabumubuo ng Philippine MoviePress Club (PMPC) atng MR Productions, sa pakikipagtulungan ng Airtime Marketing, Inc.

Gaganapin ang 22nd StarAwards for Television 2008 sa darating na Linggo,Nobyembre 30, ika-6 ng gabi, sa Function Rooms 1 and 2 ng SMX ConventionCenter (near SM Mall of Asia). Ang delayed telecast ay mapapanood sa December2 (Martes), 8-11 pm, sa TV5. Ang TV coverage ay mula sa MR Productions.

Sa gaganaping programa ay paningningan ang mga hosts at performers sagabi ng 22nd Star Awards forTelevision 2008.

Pangunahing mga tagapagpakilala (male/female emcees) sina Paolo Bediones, Anne Curtis, Judy Ann Santos at Gabby Concepcion.

Trivia hosts ang parehang mula sa GMA Network na sina Dingdong Dantes at Iza Calzado.

Major performers naman ang mga Kapamilya talents ng ABS-CBN, tuladnina Toni Gonzaga, Rachelle Ann Go,Ronnie Liang, Frenchie Dy, Rayver Cruz, Erich Gonzales, at Karylle; at ang mga bituin ng Kapuso Network,tulad nina Mark Herras, Marky Cielo,Ryza Cenon, at ang Speed Dancers.

May production numbers din ang mga baguhangsinger-performers: Melchi Bicua,Katrina Velarde, Angelika Pedroso, at Jordan Manalo.

Mapapanood silang lahat, kasabay ng malalaking pangalansa pag-awit, tulad nina: BituinEscalante, Jolina Magdangal at Ogie Alcasid.

Bilang finale, mapapanood ang natatanging bilang ng Asia's Songbird nasi Ms. Regine Velasquez.

Ang palabas sa gabi ng 22nd Star Awards for Television2008 ay hatid ng MR Productions, kasama ang Airtime Marketing,Inc. (ni Bb. Tessie Celestino) sa ilalim ng direksiyon ni Al Quinn.

Limapu't limang kategorya ang paglalaban-labanan ng mga nominado sataong ito ng 22nd Star Awardsfor Television 2008.


Kabilang dito ang parangal bilang Best Male and Female TV Hosts at ang mgaacting categories, tulad ng Best Drama Actor and Actress at Best SinglePerformance by an Actor and Actress; at ang most coveted award para sa Best Television Station

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ang dalawang Special Awards na ipagkakaloob ayang mga sumusunod: Ading Fernando LifetimeAchievement Award kay Bb. Rosa Rosal at Excellence in BroadcastingLifetime AchievementAwardkay Sen.Loren Legarda.


Click HERE to view the list of nominees to the 22nd Star Awards for Television.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN