Abner Mercado: "Huwag kang maging tapat sa istasyon, maging tapat ka sa propesyon."


(From left) Bernadette Sembrano, Karen Davila, and Abner Mercado share their thoughts on TV ratings versus content while working for ABS-CBN's investigative documentary program The Correspondents.




Bilang bahagi ng 19th anniversary ng The Correspondents, ipapalabas ang second part ng kanilang TV special ngayong Martes, Disyembre 2, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

Binalikan ng tatlong hosts ng show--sina Abner Mercado, Bernadette Sembrano, at Karen Davila--ang kanilang mga pinagdaan bilang mga journalists at documentary makers sa naturang palabas. Hindi naman nakadalo si Ces Drilon sa naturang press conference ng The Correspondents.

FORMER COLLEAGUES. Maintriga naman ang tanong kay Abner kung ano ba ang naging pakiramdam niya nang iwan ng mga kasamahan niyang original correspondents na sina Ed Lingao at Patrick Saez ang kanilang programa? Nanaig ba ang loyalty sa kanya kaya nanatili siya bilang isang correspondent?

"Isang taon kasi yun na nakikipagnegosasyon yung kabilang istasyon [ABC-5 noon na ngayon ay TV5]. Alam n'yo naman kung saan lumipat, ‘di ba? So, pinoporma noong may ari yung kanyang buong imperyo. Isa sa gusto niyang palakasin yung kanyang news and public affairs. So, kinakailangan niyang kumuha ng mga taong maaasahan niya. Nagkataon naman na merong offer sa grupo namin noon, kasi kumbaga yung grupo namin ang pinakabago noon dito [ABS-CBN]. Kaya nga lumapit, di ba?

"So, may mga sariling desisyon yung mga kasamahan ko. May sariling desisyon din ako at that time. Naggalangan kami. Sabi ko, ‘Kung gusto n'yo, bahala kayo. Malungkot ako sa magiging desisyon n'yo pero sana irespeto n'yo rin na mananatili ako rito.' Pero hindi sa pag-aano...naawa kasi ako doon sa maiiwang staff at that time. May isang staff na tumawag sa akin isang madaling araw at tinanong sa akin kung ano raw ang mangyayari kapag umalis na yung mga senior correspondents? Para siyang torn, nasa crossroad, ganun. Sabi ko, huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo iiwan. Ako ang huling-huling magsasara ng telon ng Correspondents.

"Meron pang isang revelation talaga ito. Noong naghiwa-hiwalay kami doon sa isang kuwarto, nagpaalaman kami at talagang declared na lilipat na sila. Sabi ko sa kanila, ‘Patrick, Ed, huwag kayong mag-alala sa inyo ko minana itong programang ito, hindi ko kayo bibiguin. Pero, gagalingan namin.' Yun ang isa sa pinakaemosyonal na chapter sa pagiging isang journalist ko. Sabi ko nga mas malungkot pa iyon kesa noong umalis ako sa kabila, sa GMA-7. Pero ngayon, magkakaibigan kaming tatlo. From time to time nagkakasama kami," mahabang kuwento ni Abner.

Isa pang maintrigang tanong ang ibinato sa mga hosts lalo na nga't silang tatlong present during the presscon ay pawang lumipat sa ABS-CBN galing sa GMA-7. Ano yung fulfillment na nakuha nila sa kanilang paglipat sa ABS-CBN?

Naunang sumagot si Abner, "In fairness naman sa GMA, ako personal, siya yung unang pumanday e. Kumbaga fresh na fresh ako sa U.P., Sunday ang graduation ko, Monday tinanggap ako ng GMA. Ganun sila katiwala. Sabi ko nga hindi mabubuo yung 17 years ko as a journalist kung hindi nagtiwala yung GMA.

"Pero meron kasing nangyari na noong lumipat ako rito, sa ABS-CBN, ang sabi ko lang ang kailangan ko lang ay pansamantalang masisilungan pero ang ibinigay ng ABS-CBN tahanan. Pero grabe yung newsroom namin noon, iba na ngayon. Para siyang gubat na pinamumugaran ng mababangis na hayop at that time. Talagang survival of the fittest. So, sabi ko maka-survive lang ako ng three years. Tapos umabot na ng nine. At ngayon nga inabutan ko na yung ten years ng Correspondents. Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN."

Ayon naman kay Bernadette, "I think mag-a-agree naman kayo na as a journalist ang loyalty mo dapat sa tao. Nagkataon lang na nag-iba lang yung tahanan. Pero as a journalist, kapag gumagawa ka naman ng istorya palaging yung tao naman ang iniisip mo, hindi naman yung network mo e. So, ang nakakatuwa lang, supportive yung network, kumbaga walang kinikilingan. Walang sinasabi na huwag mong gagawin yang istoryang iyan."

Bigla namang sumundot ulit si Abner, "Common na kasi yung lipatan nang lipatan, di ba? Ang masasabi ko lang diyan, huwag kang maging tapat sa istasyon, maging tapat ka sa propesyon. Regardless sinong pagsilbihan mo bilang peryodista, kapag nagsisilbi ka doon sa batas ng pamamahayag, hindi ka mamamali."

Sabi naman ni Karen, "Ako when I transferred in the year 2000 from GMA-7, I was trained as journalist in GMA-7. Gaya ni Abner, noong mag-graduate ako sa U.P., yun ang una kong trabaho, sa GMA-7. Pero noong lumipat ako dito sa ABS-CBN in 2000, The Correspondents ang una kong programa and I never left The Correspondents. I've been with ABS-CBN for the last eight years. Ako personally, ang masasabi ko, nakagawa ako ng mga dokumentaryo na maipagmamalaki ko. Bagama't marunong na ako noong dumating, pero dito sa Correspondents talaga ako nahasa.

"Sa Correspondents, lahat masusubukan mo talagang gawin. Mag-research ng istorya, maghanap ng istorya, magsulat ng istorya. At iyong pagsusulat sa The Correspondents, hindi natin pinag-uusapan yung pasusulat ng dalawang minutong istorya ha. Yung running time ng programa, roughly around 35 to 45 minutes, magsusulat ka doon ng limampung pahina ng script, ganun po siya. So, lahat po yun napagdaanan ko na sa The Correspondents, hanggang sa pag-upo sa editing at maipalabas na ito. Sa The Correspondents, it's really an opportunity to really hone yourself as a true-blue journalist. I would have to say The Correspondents is really the best avenue in ABS-CBN and I'm really proud that I'm a part of it."


CONTENT VERSUS RATINGS. Importante ba para sa kanila ang TV ratings?

"I would have to say that for any committed public affairs program like documentary, the ratings would have to be secondary. For me, specifically as a journalist, the content and how you present it is far more important that the ratings. But I love to say that The Correspondents has been rating quite well especially compared to the competition, which in due respect we need not to mention.

"There are so many ways to rate, but they might not be true to the advocacy and calling of The Correspondents. But I'm not saying that ratings is not good. Ratings is good. Ang pangit naman na walang nanonood sa iyo 'no. Hindi naman pwede iyon. Dapat may nanonood talaga sa iyo. Pero, what make us proud as a journalist is if you have done something of value...if you have done something educational," paliwanag pa ni Karen.

Dagdag naman ni Abner, "Masarap pakinggan yung sinasabing, ‘Uy, napanood kita e. Ikaw si Abner Mercado.' Pero hindi ako napa-flatter dun. Pero kapag sinabi ng viewers na napanood ko yung istoryang ginawa mo, nakakaawa naman yung ganun... saan mo nakuha yung ganun. Mas napa-flatter ako dun. Pag sinabi ng viewer, kung ano yung istorya na yun, kung ano yung mensahe noon, kung nakuha niya ba yung mensahe, mentras kung nag-rate ba iyan o hindi, okay sa akin yun."

Sabi pa ni Bernadette, "Ako para sa akin, dapat ginagawa mo yung isang bagay dahil masaya ka. Nakakatuwa kapag merong tumatawag para tumulong. Nakakatuwa na merong nanonood. Nakakatuwa na may handang tumulong sa kapwa."

Sa sampung taon ng The Correspondents, ano ang highest rating episode ever?

"The Rico Yan episode. Iba kasi yung interes ng tao sa pagkamatay niya. Naka-timing kasi kami na bago siya mamamatay nakagawa pa siya ng isang episode as a correspondent. So, nung ni-run namin yung istorya ang reaksyon ng mga tao, ‘Ang galing! Nakapag-correspondent pa siya bago mamatay.' For an evening episode, it rated 17%," sagot ni Abner.

Dagdag pa ni Karen, "Pero there was a time na naging irregular yung oras ng The Correspondents na napunta siya sa afternoon timeslot. Yung 'Gutom' episode it rated a 27%. Pero there are still other episodes na matataas din talaga ang ratings, even nung nalipat na siya sa late night slot."


Sasabak ang mga correspondents bilang kasapi sa kuwento at hindi lang tagpagsalaysay nito sa darating na Martes. Abangan ang conclusion ng 10th anniversary special ng The Correspondents ngayong Martes, Disyembre 2, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN