Kapuso sitcoms undergo major revamps


Raymart Santiago and Joey Marquez's show Lagot Ka Isusumbong Kita is one of the sitcoms that will be axed in a major revamp being implemented by GMA-7.



About to end na ang ilang comedy shows ng GMA-7 at ang iba naman, up for reformat.

The day after the last taping day of Lagot Ka Isusumbong Kita starring Richard Gomez, Joey Marquez, Benjie Paras, Bearwin Meily, Pilita Corrales, and Raymart Santiago saka sila sinabihan na ito na pala ang last taping ng kanilang Monday sitcom.

Initially, it was suspected na part of the reason was because magti-temporary leave of absence nga si Goma from showbiz as he filed his senatorial candidacy last Monday, February 12. A day before, he also resigned sa kanyang other show sa GMA-7, ang S-Files.

It turned out na hindi lang pala ang Lagot Ka... ang mamaalam na sa ere kundi pati na rin ang Saturday sitcom-gag show nina Senator Bong Revilla Jr. and Rufa Mae Quinto na Hokus Pokus. No word yet kung kailan ito magla-last taping day, pero definite na raw ito.

May umiikot din na balitang pati ang Wednesday gag show na Nuts Entertainment nina Joey de Leon, Janno Gibbs, at Anjo Yllana ay magri-reformat.

Walang balita sa Tuesday sitcom na Bahay Mo Ba ‘To? starring Tessie Tomas and Ronaldo Valdez, although we were told it will stay unchanged, pati na rin ang Friday gag show na Bubble Gang nina Ogie Alcasid and Michael V.

May isang bagong gag show na pinaplano that will star Bearwin Meily among others, pero hindi pa alam kung sa Lagot Ka...o sa Hokus Pokus ito ipapalit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN