"Abt Ur Luv" and "Little Big Superstar" showing back-to-back on ABS-CBN


Shaina Magdayao and Rayver Cruz lead the pack of young stars in Star Magic Presents: Abt Ur Luv.


Let the love and the competition begin sa back-to-back afternoon shows today ng ABS-CBN, ang Star Magic Presents: Abt Ur Luv at Little Big Superstar.

Tomorrow, Sunday, at 4 p.m., nasa Robinsons Sta. Rosa ang buong cast ng Abt Ur Luv para sa isa namang hapon ng bonding at entertainment.

"Huwebes Walang Santuhan" ang episode ng Abt Ur Luv na ipapalabas ngayong Sabado at 4 p.m.

Sa wakas, sina Neri (Shaina Magdayao) at Gens (Rayver Cruz) na. Hindi masabi ni Neri sa kanyang Tita Sonia (Marissa Sanchez) ang developments at hindi na niya itutuloy ang kanyang planong bumalik na sa Zamboanga.

Medyo nagtataka lang si Brenda (Carla Humphries) dahil parang medyo praning ang kanyang mommy. May tinatago pala si Sonia at sinabi na rin niya kay Neri na buhay pa ang kanyang tatay at sa Baguio ito naninirahan kasama ng kanyang isa pang pamilya.

Samantala, praning din si Stick (Victor Basa) sa Valentine kiss sa kanya ni Celine (Denise Laurel). Nag-usap sila at ayon na rin kay Celine, nagawa niya ito dahil romantic ang ambience noong time na yon at dala na rin ng awa dahil malungkot si Stick. Kaya lang, mataas pa rin ang sexual tension kahit pa pinipilit nilang bumalik sa dati. Hindi nakapagpigil, hinalikan ni Stick si Celine at nahuli sila ni Brenda.

Si Nelle (Lauren Young) naman, iniiwasan si Liza (Isabel Blaesi) dahil parang masyado ng nagiging attached ito sa kanya. Napilitan siyang aminin kay Josh (AJ Perez) na hindi naman talaga siya tibo at kung ano ang totoong nararamdaman niya. Siyempre pa, shocked si Josh nang malaman niyang sa kanya pala may gusto si Nelle.

Isa pang praning, kinorner ni Blue (Enchong Dee) si Mich (Mickey Arceo) with matching pulis para hulihin ang huli sa pagiging stalker. Naku, hindi naman pala talaga si Mich ang stalker ni Blue kundi isang girlash na nakilala niya dati at gusto siyang gantihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Grabe na ang excitement sa Abt Ur Luv sa dami ng praning, rebelasyon at mga bagong relasyon. Also part of the show are Aaron Agassi, Aldred Gatchalian, Angelo Patrimonio, Cris Gutierrez, Dino Imperial, Empress Schuck, Joaqui Mendoza, Mikee Lee, Valeen Montenegro and Zia Marquez. Try to watch Rayver and Shaina's acting at tignan niyo kung may tension na. Balita kasing nanliligaw na si Rayver kay Shaina, natuloy din sa wakas, and it started during their shooting for Regal Films' Happy Hearts na magbubukas sa March 13.

LITTLE BIG SUPERSTAR. Mas maaksyon ang labanan sa all out performances today ng Little Big Superstar contestants at 5 p.m. pagkatapos ng Abt Ur Luv.

Magtatagisan ng galing sa kantahan at magpapasiklaban sa dance floor sa mas mga pinaghandaang performances ang mga Little Boys na sina Junior Hearthrob Ysrael, The Prince Charming Kristofer Martin, D' Beat Boy Joshua Cadelina, Mr. Heart Song Ronald Jaimeer at si Mr. Melody Christian Mercado. Ito ang episode na mas magpapakilala sa atin sa buhay at musika ng bawat Star kid.

The episode also pays tribute to Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa isang back-to-back dance hatawan mula sa mga LBS stars. Sino sa kanila ang maghahari sa inyong puso this week? Ipakita ang inyong suporta at magtext na sa paborito niyong Star kid.

Inaabangan na ng lahat kung sino naman sa mga star judges ang may pinak super performance this time at may bagong tutulong sa paghanap ng superstar, a Special Jury o ang tinatawag na Star Click. Also this week, papatawanin tayong lahat kasama ang mga talented na mga Videoke Masters.

Hosted by Sarah Geronimo at Makisig Morales ang Little Big Superstars.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN