Different Xmas celebrations to be shown on "Kalye"


Atom Araullo (in photo) joins street kids in singing Christmas carols on the streets of Manila for the December 22 episode of Kalye: Mga Kuwento ng Lansangan.



Mga bata at Aetang nakikipag-patintero sa mga kotse upang makapamasko at isang ulirang lolang nagsisilbing Santa Claus sa labinlimang apo, ang tampok ngayong Lunes, December 22, sa Kalye: Mga Kuwento ng Lansangan.

Kasama si Atom Araullo, susuurin ng trese-anyos na si Nilo at ang limang-taong kambal na kapatid niyang sina Myla at Mylene, ang mga mapanganib na lansangan sa kalungsuran. Bitbit ang kanilang tambourine gawa sa tansan, manga-ngaroling sila para sa kaunting barya.

Hindi naman kalayuan ay matatanaw ang isa pang grupo, ang mga katutubong Aeta na lumuluwas pa sa syudad upang makapanlimos tuwing Pasko.

Aalamin ni Sol Aragones kung bakit nakaugalian na ng mga pamilyang Aeta ang makipagsapalaran sa Maynila at iwan ang kanilang kinagisnang tradisyon at kultura.

Samantala, isang 67-anyos na lola naman ang nagkukumahog magtrabaho para sa tatlong anak at labinlimang apo. Ngayong Pasko, pahinga muna ang labada at plantsa dahil may dalang saya at handa para sa kanila si Anthony Taberna.

Huwag palampasin ang maaga at masaganang noche buenang hatid sa kanila nina Anthony Taberna, Sol Aragones, at Atom Araullo sa Kalye, ngayong Lunes, December 22, ng gabi sa ABS-CBN, pagkatapos ng Bandila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN