Upcoming shows of GMA-7 for 2009


GMA-7 stars Marian Rivera and Dingdong Dantes (top frame) will topbill Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang while Robin Padilla (bottom left frame) will star in Totoy Bato. Aside from starring in the Valentine movie When I Met You, Richard Gutierrez will also be seen in the primetime show Zorro.



Limang bagong palabas ang dapat abangan ng mga manonood sa GMA-7 sa pagpasok ngyear 2009. Mauuna rito ang Sine Novelang Paano Ba Ang Mangarap? dahil saearly part ng January na ito ipapalabas. Among the four primetime teledramas,mauunang mapanood ang Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang, then AllAbout Eve, Totoy Bato and Zorro.


PAANO BA ANG MANGARAP? For the first time, magkakasama-sama angfirst batch ng StarStruck Ultimate winners na sina Mark Herras atJennylyn Mercado at ang grand winner ng Star Circle Quest na si HeroAngeles. Kasama rin nila sina Tirso Cruz III at Bing Loyzaga sa ilalim ngdireksyon ni Joel Lamangan.

Sangayon, naka-hold ang pagsisimula ng taping ng Sine Novela dahil priority niDirek Joel na tapusin nito ang first movie together nina Richard Gutierrez atKC Concepcion for GMA Films and Regal Entertainment, ang When I Met Youna ipapalabas sa buwan ng mga puso sa February 2009.

Ang Babaing HinugotSa Aking Tadyang. Basedon a graphic novel created by Carlo J. Caparas, malamang na ito ang lastproject ng love team nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ang BabaingHinugot sa Aking Tadyang ay muling ididirek ng paborito nilang direktor nasi Bb. Joyce Bernal. Nag-training muna si Marian ng boxing dahil maypagka-action ang role niya at may pagka-sexy rin. Hindi pa silanagsisimulang mag-taping dahil may mga requirements pa si Direk Joyce, likegusto niya ay mansion talaga ang gagamiting bahay ni Dingdong dahil rich talagaang character nito. Problema pa rin ang paa ni Marian na dapat aymagaling na magaling na dahil kailangan nga niya na laging kumikilos, umaakyatsa puno, pumapakabila sa bakod. Hindi pa rin pwedeng magsuot ng highheels ngayon ni Marian.

Magsisimulasilang mag-taping sa January 6, 2009 at may pilot telecast ito ng first week ofFebruary.

ALL ABOUT EVE.An adaptation of the Koreanovela All About Eve, tampok nito ang matalikna magkaibigan na sina Sunshine Dizon at Iza Calzado, pati na rin sina Jean Garciaat Eula Valdez. Subalit, sa local version ng istroyang ito, magkalabansila. Si Richard Gomez pa lamang ang male member ng cast, sorpresa pa rawang isa pang lead star. Direk Gil Tejada will start taping sa last weekof January 2009. Early March 2009 na ang pilot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOTOY BATO. Isa pang nobela ni Carlo J. Caparas ay ipapakita sa telebisyon matapos itonggampanan sa pelikula ng yumaong Fernando Poe Jr. Sa TV adaptation, siRobin Padilla ang unanimous choice ni Direk Carlo at special request naman niRobin na si Regine Velasquez para makatambal niya dahil isang singer ang rolena gagampanan ng Asia's Songbird. Nag-training si Robin ng iba't ibangmartial arts bukod sa boxing. Makakasama rin dito ang Pambansang Kamao nasi Manny Pacquiao at ang eldest daughter ni Robin na si Queenie. Tulad ngJoaquin Bordado, si Mac Alejandre pa rin ang magdidirek ng Totoy Batona may tentative pilot week sa February 2009.


ZORRO. May pagka-fantasy ang bagong serye na sisimulan ni RichardGutierrez, pero kailangan muna niyang tapusin ang When I Met YouValentine movie nila ni KC Concepcion bago siya mag-concentrate sa bago niyangproject. Kailangan din kasi niyang mag-training nang husto safencing. Although kailangan nito ang husay sa pangangabayo, hindi namanproblema iyon kay Richard dahil bata pa siya, marunong na siyang sumakay sakabayo. Sa ngayon, wala pa kaming alam kung sino ang bago niyang leadinglady dahil bawal pa raw sabihin kung sino. Either late April or early May2009 ang pilot telecast ng Zorro.

Abalapa rin si Richard ngayon sa taping ng kanyang Full Force Nature nanapapanood every Tuesday sa GMA-7 pagkatapos ng Koreanovelang Money War.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN