Jake Cuenca and Roxanne Guinoo reunite in MMK


Roxanne Guinoo and Jake Cuenca portray lovers who are having difficulty having kids of their own. Find out if the Davao-based couple will succeed in their goal during the January 3 episode of Maalaala Mo Kaya.



Muling magtatambal sa telebisyon ang isa sa kontrobersyal na couples ng taon na ito—sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo.

Sa isang episode sa direksyon ng batikang direktor na si Jeffrey Jeturian at panulat ni Joan Habana, isang madamdaming kwento ng mag-asawang taga Davao ang gagampanan nina Roxanne at Jake. Sina Sherly at Armand ay mag-asawang matagal nang gustong magkaanak. Ang pagnanais na ito ang magdadala sa kanila sa isang kakaiba, malungkot at madamdaming landas.
Dalawang taon na nilang sinusubukan na magka-anak ngunit hindi nila ito magawa dahil mababa ang sperm count ni Armand. Nang mabuntis si Sherly sa ibang lalaki, kakaibang sakit ang mararamdaman ng mag-asawa kahit na natupad ang kagustuhan nila na magkaroon ng anak.


Mararamdaman ng mga viewers ang realidad ng kanilang sitwasyon at siguradong maraming makakarelate dito sa palabas na ito.

Abangan ang episode na ito sa ABS-CBN ngayong January 3, bilang opening salvo ng Maalaala Mo Kaya sa 2009!


Director: Jeffrey Jeturian
Writer: Joan Habana

Roxanne Guinoo as Sherly
Jake Cuenca as Armand
Marvin Raymundo as Francis
Raquel Montessa as Nida
Eda Nolan as Lourdes
Devorah Sun as Helen


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN