"Parekoy" set to tickle viewers, Jan 5


(From left) Jayson Gainza, John Prats, and ZanjoeMarudo will be seen every weekday afternoon in the new ABS-CBN comedyserye titled Parekoy. Randy Santiago (inset) is one of the directors of the show along with Quark Henares.



Isang bagong offering para sa telebisyon ang ipapakita ng ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes ng hapon.


Magbabalik ang tambalang Zanjoe Marudo, Jayson Gainza, at John Prats upang magbigay ng katatawanan sa manonood sa isang comedyserye, ang Parekoy.


Ang Parekoy ay tungkol sa barkadang sina Mario (Zanjoe), Joseph (John Prats) at Jess (Jayson Gainza). Si Mario ay siyang habulin ng mga babae pero takot sa bading. Si Joseph ang isang responableng nurse na sobrang sipag kung mag-trabaho at isang responsableng kuya para sa kanyang mga kapatid na puro babae. Si Jess ay may asawa at anak na at kilala bilang "under d saya" sa kanyang misis (na ginagampanan ni Angelu de Leon).


Inilarawan ni Jayson ang pagkaka-iba ng kanilang mga characters,"Ako kasi magalaw at medyo may pagka-kenkoy. Si Zanjoe naman rito is medyo ma-ere. Mali na nga siya sa usapan pero ipagpipilitan pa din. Yung mali-mali siya parang ganoon. Si John naman po, minsan nagmamarunong din na witty."


Sina John, Jayson at Zanjoe ay huling nagkasama sa sitcom na Aalog-alog na napanood ng mga viewers once a week. Ngunit dito sa Parekoy ay magkakasama sila araw-araw. Ang directors ng nasabing show ay sina Randy Santiago at si Quark Henares.


Ang Parekoy ay mapapanood tuwing 2:30pm pagkatapos ng Wowowee sa ABS-CBN simula January 5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN