Wild card week in "StarStruck"


Jesi Corcuera (left) and Mart Escudero join the four Avengers who will fight it out for the remaining two Survivor slots.



The dreaded wild card is back in StarStruck at hindi ito nagugustuhan ng mga fans.

"Survivor Shock" ang titulo ng episode last Sunday, February 18, ng StarStruck The Next Level na ginawa live sa Broadway Centrum. Out na sina Jesi Corcuera of Pasay and Mart Escudero of Cavite sa Survivors, but not necessarily out sa competition.

Jesi and Mart join four other Avengers: Jan Manual of Laguna, Rich Asuncion of Bohol, Dex Quindoza of Manila, and Lizzy Pecson of Pampanga. This week, naka-focus sa kanila ang labanan dahil dalawa sa kanila ang puwedeng makabalik sa Survivors list na kinabibilangan nina Aljur Abrenica of Pampanga, Prince Stefan of Iloilo, Paulo Avelino of Baguio, Stef Prescott of Ilocos, Kris Bernal of Quezon City, and Jewel Mische of Bulacan. The eight survivors will be called the Danger 8.

The result will be determined by the collective votes mula sa text and Internet votes at sa StarStruck council composed of Ms. Lorna Tolentino, Douglas Quijano, and director Louie Ignacio.

Hindi pabor ang mga loyal audience ng StarStruck sa ganitong wild card technique.

Una, maraming tests na raw kasi ang pinagdaanan ng walong survivors, including Jesi and Mart, na hindi nadaanan nina Jan, Rich, Dex, at Lizzy. Parang na-accelerate pa sila sakaling sila ang makapasok sa Danger 8.

Ikalawa, masasayang nga naman ang mga naunang boto na nina Jesi and Mart na obviously ay mas mataas sa apat nilang makakalaban dahil nauna nga itong natanggal sa kanila.

Ang pinaka-ayaw ng mga fans, nangangamba sila na baka maulit na naman ang nangyari noong StarStruck II, kung saan kampante na si Benj Pacia sa top six ay biglang natanggal dahil nalusutan siya ni CJ Muere dahil text votes ang labanan. CJ went on to become Mike Tan's first prince pa and even won the Jollibee commercial again dahil sa text votes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang general consensus ng mga loyal viewers ng StarStruck, kung tatanggalin sina Mart and Jesi, tanggalin na lang and go on with the contest with the remaining six. Huwag na raw ilagay ang wildcard dahil kadalasan nga, ito ang source ng surprise winners.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN