More Star Magic artists join the cast of TV5's Lipgloss


Star Magic talents Matt Evans (left) and Carlo Guevara (right) are the new additions to the cast of TV5's youth-oriented show Lipgloss.



Dalawa ang umalis, dalawa naman angpumasok sa ending ng second season ng nag-iisang teen show sa reformatted TV5, Lipgloss.Sa kalagitnaan ng second season, nawala ang Star Magic Batch 16 member na siCheska Garcia at sumabay na rin ang partner nitong STAGES-managed at Little BigStar first winner na si Sam Concepcion.

Papasok ng magkasunod na episodes afterits New Year episode ang Be Bench winner and Desperadas 2 co-star na si CarloGuevara bilang si Jose Mari, ang makaka-triangle ng dalawang bagong artista nasina Czarina Suzara at Neil Coleta playing Julivee at Caloy, respectively.

Ito ang unang TV show ni Carlo sa labasng kanyang Kapamilya network.

Susundan naman siya ni Matt Evans nagaganap bilang si Nikko Lopez, isang artistang nag-shoot ng pelikula saeskuwelahan ng mga bidang bagets. Pinsan ng kanyang character si Kyle Lopez, naginampanan naman ni Sam at may-ari rin ng eskuwelahan.

Unang ibinibigay ng Star Magic angkapatid ni Rodjun Cruz, na kasali na sa cast, na si Rayver Cruz. Ngunit nagbagoang desisyon ng star department ng ABS-CBN dahil may gagawin ang binata nabagong show sa istasyon nila—ang nababalitang local version ng Twilight bilangang bidang lalaki na si Edward Cullen, at pagbabalik tambalan nila ni ShainaMagdayao.

Ito ang pangalawang TV5 show ni Mattdahil lumalabas din ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate sasitcom na Hapi Together. Ito rin ang reunion show nila ng mga co-housemateniya sa PBB na sina Mikee Lee at Fred Payawan na mga regular cast ng Lipgloss.

Ilan pa sa napagpilian para sa dalawangbagong roles sa Lipgloss ay ang tatlo namang housemates sa second season ng PBBTeen Edition na sina Ejay Falcon, Robi Domingo, at Josef Elizalde. Hindipumuwede si Robi dahil may ginagawa na itong mga shows sa sister stations ngABS-CBN na MYX at Channel 23.

Isa namang homegrown talent ng TV5 angna-introduce sa Lipgloss in its Christmas episode, si Jessa Joy Mendoza.Produkto si Jessa ng Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo at malakas ang naginghatak niya sa audience dahil sa kanyang galing sa pagkanta. Gumaganap siyang siCarla, ang kapatid ng baguhan ding si Neil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napapanood ang Lipgloss sa TV5 tuwingSabado ng alas-sais ng gabi bago ang Talentadong Pinoy. Wala pang balita kungbibigyan ito ng third season.

Ang Lipgloss at Midnight DJ lang ang dalawangnon-station produced shows sa TV5 na nabigyan ng second season sa mahigitkalahating dosenang non-station produced shows na nagbukas noong nagsimula angABC-5 sa bago nitong pangalan na TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN