"Amazonang Kikay" airs on GMA-7 starting Jan 19


Survivor Philippines castaway John Lopez and Rochelle Pangilinan of the Sexbomb Dancers are paired together for the first time in Amazonang Kikay.



Imbitado ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Season 21 ng Daisy Siete (Amazonang Kikay) na tatampukan uli ng buong Sexbomb Girls pero si Rochelle Pangilinan uli ang pinaka-bida. Sa Monday, January 19, na ang pilot nito at mapapanood sa dating time slot ng Daisy Siete na pagkatapos ng GMA-7 noontime show na Eat...Bulaga!

Sa ibinigay na synopis sa PEP, iikot ang istorya ng Tarzariray sa grupo ng mga batang ulila na dadalhin sa Maynila para dahil sa ampunan, pero bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila. Kasama sa nakaligtas ang mga batang may edad na 3-7 years old at paglaki nila, sila'y sina Rochelle, Weng Ibarra, Mia Pangyarihan, Mhyca Bautista, Monic Icban, Cynthia Yapchingco at CheChe Tolentino. Kasama nilang nakaligtas si Aleck Bovick na gaganap sa role ni Nana/Olive, ang pinuno ng grupo.

Mababago ang buhay ng mga babaing gubat nang mapadpad sa kinaroroonan ng Amazona ang grupo ng Biology students na naghahanap ng rare na halaman na magpapagaling daw sa sakit na cancer. Ang grupo ng mga estudyante ay kinabibilangan nina Sunshine Garcia, Jopay Paguia, Izzy Trazona, Edgar Allan Guzman, Aifha Medina at Railey Valeroso.

Hindi na ikukuwento ng PEP ang buod ng istorya ng Tarzariray at makabubuting subaybayan n'yo na lang. Ayon kay Joy Cancio ng Focus E Productions at producer ng Daisy Siete, isa na naman itong nakaaaliw at magandang episode, kaya ‘wag palalampasin.

Tinanong ng PEP si Joy kung okay sa kanya bilang producer na palipat-lipat ang time slot ng Daisy Siete? Inilagay ito sa late afternoon slot, pero ngayon, ibinalik sa original niyang time slot.

"Advice ng GMA-7 ang sinusunod namin at sila ang parent network namin. Wala silang sinabi kung bakit ibinalik kami sa 2:30 p.m. slot, negosyo ito at strategy nila ‘yun. Mas marami silang alam kesa sa akin pagdating sa time slot at alam kong para sa ikabubuti ng show lang ang kanilang ginawa," pahayag ni Joy.

JC TIUSECO AS FIRST CHOICE. Si Joy na rin ang tinanong ng PEP kung bakit si John Lopez ang kinuha niyang ipareha kay Rochelle, gayung mas maraming may mga pangalan at pruweba ng actor na puwedeng maka-love team ng dalaga?

"Actually, marami kaming pinagpilian. Si JC Tiuseco, ang 1st Sole Survivor ng Survivor Philippines ang tina-target namin. Pero, nang i-offer namin, ramdam kong hindi type ng kanyang manager ang project at naintindihan ko dahil they have Unang Hirit. Nang ma-feel kong ayaw, naghanap kami ng right leading man for Rochelle."

"Nalaman ni Kuya Lhar [Santiago] na naghahanap kami ng leading man and he suggested John. Sabi ko pa nga, sino siya? Nagpa-email ako ng picture niya at wish ko, magustuhan siya ng girls at happy ako dahil gusto siya ng girls, lalo na ni Rochelle. Happy ako na happy si Rochelle dahil mahirap siyang hanapan ng kaparehe," mahabang pahayag ni Joy.

Nabanggit din ni Joy na na-consider nila si Paolo Contis, pero nagka-problema sa schedule nito't nagti-taping ito ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at magsisimula na ring mag-taping ng My Dad Is Better Than Your Dad. Hanggang mapunta na nga kay John ang role at ‘di binago ang name niya rito para mabilis siyang makilala.

"Isa pang rason kung bakit hindi namin pinursue si Paolo, nalaman kong girlfriend niya si Lian Paz ng EB Babes, e, Sexbomb Girls ang makakasama ni Paolo dito. Ayaw namin ng tsismis at kailangan nilang maging close ni Rochelle, kaya ‘di na namin itinuloy," sabi ni Joy.

Hindi nagkamali si Joy sa pagpili kay John dahil sa pictorial pa lang, kinakitaan na sila ng chemistry ni Rochelle at very open ang dalaga sa pag-aming crush niya ito. Hindi niya pinipigil ang press na sila'y tuksuhin at natawa ang PEP sa inamin nitong una niyang inalam kay John ay kung may girlfriend ito dahil ayaw niyang makasagasa.

"Nang malaman kong he's single, natuwa ako. Go, go, go," wika ni Rochelle na ‘di sure ang PEP kung seryoso o nagbibiro.

Sa Subic ang taping ni Direk Rowell Icamen sa mga eksena sa gubat at may participation dito ang mga unggoy at paniki na naglipana sa kagubatan ng Subic. Kahit mahirap, excited na ang grupo nina Rochelle sa mga eksenang magbabaging sila, aakyat ng puno at kung anu-ano pang ginagawa sa gubat.

Kasama rin sa Tarzariray sina Karla Estrada, Ramon Christopher, Tariq at Railey Valeroso na ngayon lang uli mapapanood sa GMA-7. Nilinaw nitong wala siyang kontrata sa ABS-CBN, so, puwedeng-puwede siyang bumalik sa Kapuso Network kung muli siyang kukunin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN