Q 11 offers four new shows for 2009


Heart Evangelista (left) and Marc Nelson (right) will host new shows of Q 11 called Fashionista and Dare Duo, respectively. Rovilson Fernandez will also host Dare Duo with his former teammate in Amazing Race Asia.



Q 11 and TV5 are not competing for the same market.

Kung may mga nagsara mang long running shows ang sisterstation ng GMA-7 tulad ng Moms, Ka-Toque at Living It Up, may mgakapalit pa rin ang Q 11 ayon na rin sa AVP for Alternative Production na si Ms.Gigi Santiago-Lara. Sinabi niya ito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kanina, January 16, nang ginanap nila ang isang luncheon para sa entertainment press.

Apat ang nakatakdang magbukas na show ngayong taon na ito sapangunguna ng na-delay na fashion and lifestyle show na Fashionistato be hosted by Heart Evangelista, Jocass de Leon at Schinina Juban.

Kapalit naman ng Ka-Toque ay isang bagong cooking show na Daddy-Liciouskung saan isang amang chef ang magluluto para sa mga bata. Si former Ka-ToqueChef Nino Logarte ang maghu-host ng show.

Isang mala Bucket List type of show ang pagsasamahang muling mag best friend na lumaban noon sa Amazing Race Asia na sina Marc Nelson atRovilson Fernandez, ang Dare Duo. Hindi raw ito mga death defyingstunts, mga wish list lang ng mapipiling contestants na gusto nilang gawin naisang bagay o adventure na hindi nila magawa.

Pang-apat ang magiging kapalit ng Living It Up na EventsInc. Dalawa sa dating hosts ng Living It Up na sina Tim Yap at Sam Oh angmaghu-host ng nasabing show kung saan sila ang maghahanda para sa isang eventsna binabalak ng mga audience na mapipili nila.

WOMEN-ORIENTED. Habang nag-uusap kami sa mga bagong shows ng Q 11, hininganna rin naming ng comment si Ms. Santiago-Lara na number three na ang TV5 samarket share at ratings.

"Iba naman kasi ang market nila, pang masa," paliwanag sa aminni Ms. Santiago-Lara na nagsimula bilang production manager noon sa GMA-7.

"Ang kalaban nila, ang GMA-7 and ABS-CBN na mass market so kungito ang basis, pangatlo nga sila. Noong masa din ang hinahabol naming market,kami rin ang number three.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba na kasi ang niche ng Q 11, upscale women na ang marketand in this field, we lead everyone. Kaya nga ang mga shows ng Q 11, geared for women."

Hindi raw magkalaban ang Q 11 and TV5 the same way namagkaibang market din ang niche ng Q 11 at ang sister station naman ng ABS-CBNna Studio 23, pang youth.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN